^

Bansa

Pinoy Grade 4 students 'kulelat' kontra ibang bansa sa math, science — int'l study

James Relativo - Philstar.com
Pinoy Grade 4 students 'kulelat' kontra ibang bansa sa math, science — int'l study
Tinu-tutor ng volunteer teacher naito ang isang Grade 4 student mula sa Dagat Dagatan Elementary School sa Lungsod ng Navotas, ika-2 ng Hulyo, 2020 gamit ang mga module na ibinigay ng Department of Education (DepEd)
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Pagdating sa mga estudyanteng nasa ika-apat na baitang, nahuhuli ang Pilipinas sa mga asignaturang matematika at agham — 'yan ay kung paniniwalan ang bagong pag-aaral na inilimbag ng international study center.

Pilipinas kasi ang may pinakamababang "average scale score" sa 58 na bansang sumali sa nakaraang Trends in International Mathematics and Science Study 2019 (TIMSS), bagay na inilabas nitong Martes.

Makikita ang pagkahuling mga batang Pinoy sa parehong subjects, bagay na malayong-malayo sa mga karatig na bansa sa Asya.

Pagdating sa math, lumalabas na 297 lang ang nakuha ng mga Pilipino, halos kalahati lang ng nakuha ng Singaporeans na nasa taas ng listahan sa puntos na 625.

Nagtamo lang din ng puntos na 249 ang mga Filipino fourth graders pagdating sa siyensya, milya-milya ang layo sa 598 na nakuha ng kanilang Singaporean counterparts.

Ginawan din ng assessment ng pag-aaral ang mga nasa Grade 8, ngunit hindi ito nilahukan ng mga Filipino participants.

 

 

Disyembre 2019 lang nang maging kulelat din ang Pilipinas pagdating sa "reading comprehension" (pag-intindi sa nababasa) sa 79 bansa na lumahok sa nakaraang 2018 Programme for International Student Assessment.

Bagama't kilala ang Pilipinas bilang "isa sa pinakamahuhusay" mag-Inggles sa buong daigdig, natanggal na ito sa top 20 ng pinakamatatas gumamit ng nasabing wika.

Pamamayagpag ng East Asian countries

"East Asian countries—Singapore, Chinese Taipei, Korea, Japan, and Hong Kong SAR—were the top performers. In mathematics, led by Singapore, the five East Asian countries outperformed the other TIMSS countries by substantial margins in fourth and eighth grades," ayon sa highlights ng TIMSS 2019.

"In science at both grades, Singapore, Chinese Taipei, Korea, and Japan also performed well and were joined by the Russian Federation and Finland."

Ang mga Grade 4 students na dumaan sa testing ay may edad na hindi bababa sa 9.5-anyos. 

Dahil iba-iba ang sistema polisiya ng edukasyon sa mga bansang lumahok pagdating sa edad, may ilang pagkakaiba kung paano tinukoy ang kani-kanilang "target grades" at average age ng mga bata. 

"In each grade, nationally representative samples of approximately 4,000 students from 150 to 200 schools participated in TIMSS 2019," patuloy pa ng study.

"Including the mathematics and science assessments and context questionnaires, more than 330,000 students, 310,000 parents, 11,000 schools, and 22,000 teachers participated in the fourth grade assessment."

Ito na ang ikapitong assessment cycle na ginawa ng International Association for the Evaluation of Educational Achievement, bagay na ginagawa kada apat na taon simula pa noong 1995.

EDUCATION

GRADE 4

MATHEMATICS

PHILIPPINES

SCIENCE

STUDENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with