^

Bansa

'Buong DOH' game mauna sa COVID-19 vaccine para lahat makumbinsi magpaturok

James Relativo - Philstar.com
'Buong DOH' game mauna sa COVID-19 vaccine para lahat makumbinsi magpaturok
Kita sa undated photo na ito si Health Secretary Francisco Duque III
The STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Sa gitna ng agam-agam ng ilan sa kaligtasan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines, tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang kanilang buong kagawaran na unang mabigyan nito oras na dumating ito sa Pilipinas.

Sabado kasi nang hamunin ni Sen. Christopher "Bong" Go sina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maunang pagpapaturok para mapatunayang ligtas ito sa kalusugan. Ang mga bakuna ay dadaan muna sa pagsusuri ng mga eksperto bago pa man ma-aprubahan na gamitin.

"[Si Health Secretary Francisco Duque III] at ang buong Department of Health... ay bukas po tayo. Talagang kung kailangang tayo ang dapat mauna sa pagpapabakuna ay magpapabakuna po tayo," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

Ilan sa ngayon ang takot sa bakuna dahil sa kontrobersiya ng Dengvaxia vaccine noong nakaraang administrasyon, bagay na sinisisi ng ilan sa pagkamatay ng mga estudyante.

Ayon sa nakaraang survey ng Social Weeather Stations (SWS), tanging 66% lang ng mga Pilipino ang payag mabakunahan kontra COVID-19 oras na dumating ito sa bansa.

Basahin: SWS: Halos 2 sa 5 Pilipino ayaw magpabakuna vs COVID-19

May kinalaman: How the Dengvaxia scare helped erode decades of public trust in vaccines

"The secretary is open to that. So ito naman po, ang mga bakuna kapag pumasa na sa phase 3 ng clinical trial, ang ibig sabihin ang bakuna ay ligtas at tska 'yung efficacy niya ay na-test na po," dagdag pa ni Vergeire.

"Kaya itong mga bakunang ito ay sinuisiguro nga ho natin na kapag pumasok sa ating bansa, we can be able to scrutinize it further."

Bagama't meron nang approval ng ilang otoridad mula sa ibang bansa ang mga COVID-19 vaccines, dadaan pa rin naman daw ito sa pagsusuri ng vaccine experts ng Pilipinas at Food and Drugh Administration (FDA) para masigurong wala itong negatibong epekto sa kalusugan.

Kadalasang hinahaluan ng mas mahinang porma o patay nang disease-causing microbe ang mga bakuna, bagay na nagsti-stimulate sa immune system para maalerto ang pangangatawan ng tao na durugin ang mga kahalintulad na threats sa hinaharap.

"So wala po tayong dapat ikabahala para dito sa bakuna na ito. 'Yun pong bakuna na 'yan na-test na na safe siya at 'yung efficacy niya ay ayon doon sa targetted na kailangan ng isang bakuna," pagtitiyak pa ng DOH official.

Leni game na game din magpaturok

Kahapon lang nang magpresenta si Bise Presidente Leni Robredo na maging isa sa mga pinakaunang maturukan ng COVID-19 sa Pilipinas para mapawi ang takot nang maraming Pilipino.

"Kung ang dahilan magpapakita ay ma-encourage iyong confidence sa kaligtasan ng bakuna, tama iyon," ayon kay Robredo sa kanyang lingguhang palatuntunan sa dzXL.

"Pero hindi siya tama kung ang dahilan, gusto niya siya lagi ang unang maprotektahan kasi ang dapat maunang protektahan 'yung pinaka-exposed, at nagsang-ayon ako na health care workers iyon."

Una nang sinabi ni Duterte na payag siyang mauna sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine, ngunit klinaro ng mga otoridad na dapat munang matiyak ang kaligtasan ng bakuna.

May kinalaman: Si mayor ang una?: Duterte baka Mayo 2021 turukan ng Russian COVID-19 vaccine

Oras na maaprubahan sa Pilipinas ang mga bakuna, narito ang mga prayoridad mabigyan nito:

  1. Frontline health workers (1,762,994)
  2. mahihirap na senior citizens (3,789,874)
  3. nalalabing senior citizens (5,678,544)
  4. nalalabing mahihirap na populasyon (12,911,193)
  5. sundalo, pulis, coast guard, mga bumbero, atbp. (525,523)

Sa huling ulat ng DOH noong Linggo, umabot na sa 439,834 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 8,554 na ang namamatay.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with