Senado kontra na gawing legal ang marijuana sa Pinas
MANILA, Philippines — Kahit na ibinaba na ng United Nations Commission on Narcotics Drugs (CND) ang klasipikasyon sa paggamit ng marijuana, kinontra ng Senado na gawing legal ang paggamit ng cannabis sa bansa.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang aksyon ng UN ay magreresulta sa pagbabago ng batas sa bansa partikular na sa pagsasa-legal ng paggamit ng marijuana.
Base sa desisyon ng CND, ni-reclassify ang paggamit ng marijuana mula sa Schedule IV (most dangerous) hanggang Schedule I (least dangerous) na umano’y magkakaroon ng impact sa narcotics laws sa Pilipinas.
Sa kabila nito, sinabi ng CND na bagama’t hindi masyadong delikado ang paggamit ng marijuana, kumpara sa morphine, heroin at cocaine na nasa ilalim ng Schedule IV, ay nanatili pa ring delikado ang paggamit nito.
Para naman kay Sen. Joel Villanueva, bagama’t bukas siya sa diskusyon sa medical marijuana, ay may reservation pa rin siya dito at duda siya rito.
Paliwanag ni Villanueva, ang reservation niya dito ay dahil sa kapasidad ng mga ahensiya ng gobyerno at sa regulasyon ng paggamit nito dahil sa posibleng pag-abuso sa paggamit nito.
- Latest