Seminars, workshops, trainings puwede na sa GCQ
MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagdaraos ng seminars, workshops, trainings, meetings at iba pang kahalintulad na aktibidad sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) katulad ng Metro Manila.
Pero hanggang 30 porsiyento lamang ng kapasidad ng lugar ang pahihintulutan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang mga nasabing aktibidad ay maaaring idaos sa mga restaurants; restaurants sa loob ng hotels; ballrooms at function halls sa loob ng hotels; at mall atria.
Inatasan ang Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI) na magpalabas ng kaukulang guidelines.
Samantala, nanawagan din ang IATF na gamitin sa lahat ng establisimyento ang Stay Safe application at QR Code nito.
Naunang sinabi ni COVID-19 testing czar Vince Dizon na ang Stay Safe app ay libre at hindi kinakailangan ng mobile prepaid load para magamit.
Sa tulong ng app, kukuhanan lamang ng larawan ang QR codes sa malls, banks, restaurants, trains at buses kaysa sa mano-manong pagsusulat sa contact-tracing sheets.
- Latest