Metro Manila, 7 pang lugar, naka-GCQ pa rin hanggang ika-31 ng Disyembre
MANILA, Philippines — Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang ilang lugar sa bansa hanggang sa pagtatapos ng taon sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi.
Ito ang kanyang sinabi matapos i-televise ang kanilang pagpupulong kasama ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañan.
"The quarantine classification ay [GCQ sa] National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan [City], Davao City [and Davao del Norte]," ayon kay Duterte kagabi.
"The rest of the country will be under [the more relaxed] modified general community quarantine (MGCQ) from December 1 to 31. Modified lang."
Matatandaang ipinatupad ang GCQ at MGCQ sa Pilipinas at ang mas mahihigpit na lockdown ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) para masawata ang lalong pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ano na ba ang GCQ, MGCQ sa ngayon?
Bagama't dati nang nakapaglatag ng mga guidelines pagdationg sa iba't ibang uri ng quarantine protocols, dahan-dahan nang nagluluwag ang GCQ sa maraming lugar sa ngayon.
Basahin: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference
Ilan na riyan ay ang paglilimita ng GCQ mass gatherings sa 10. Gayunpaman, pinapayagan ang mga malalakihang protesta sa ilang lugar gaya ng University of the Philippines.
Dati, 10 katao lang ang pinapayagang magsimba at maglunsad ng religious activities sa mga GCQ areas. Naging 10% seating capatiy ito pagsapit ng Setyembre. Itinaas naman ito sa 30% sa GCQ areas noong Oktubre.
Limitado naman hanggang 50% ang religious gatherings sa mga MGCQ areas.
Kahapon lang din nang sabihin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pwede nang dalhin sa mga mall ang mga bata at menor de edad sa mga lugar na marami ang tao gaya ng malls.
Ito ay kahit ang pwedeng lumabas ng bahay ang mga indibidwal na edad 15 hanggang 65 gulang sa mga lugar na GCQ at MGCQ.
May kaugnayan: Parents will be allowed to bring kids to malls in GCQ areas, Año says
Sa kabila nito, naninindigan ang Metro Manila police na tanging mga authorized persons outside homes (APOR) lang at essential workers ang pwedeng pumunta sa mga shopping center.
"'Di pa po allowed yan sa GCQ. We’ll be having a meeting with mall managers na hindi pa rin po iaallow yung pagpapasok ng non-APOR kasi well be expecting an influx ng mga tao dyan sa mga malls and other places of convergence," sabi ni Police Brig. Vicente Danao sa panayam ng Teleradyo, Martes.
"Para po makaiwas ng threat sa COVID, mas maganda po siguro wag na lang po muna." — James Relativo
- Latest