Libong pamilya sa palibot ng bulkang Mayon ilikas na – Phivolcs
MANILA, Philippines — Iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pamahalaan ang paglilikas sa libong pamilya na naninirahan sa palibot ng bulkang Mayon sa Albay.
Ang panawagan ay ginawa ni Paul Alanis, volcanologist ng Phivolcs dahil sa kanilang lahar risk mapping ay nakitang may malaking banta ng lahar flow ang posibleng kaharapin ng mga residente sa paligid ng bulkan.
Partikular anyang maaapektuhan ng lahar flow ang mga residente sa pitong viilages sa Travesia, San Francisco at San Rafael sa bayan ng Guinobatan, aapat na villages sa Tumpa sa Camalig; tatlong villages sa Busay sa Daraga at apat na village sa Bantayan at Puro 7 sa Quinastillohan sa Tabaco City.
Ayon sa Phivolcs, ang lahar at volcanic debris ay mabilis na napupunta pababa sa slopes ng Mayon dulot ng mga pag ulan na dala kamakailan ng bagyong Quinta,Rolly at Ulysses na sumalanta sa Bicol noong huling araw ng Oktbre at nitong Nobyembre.
Sinabi ni Alanis na mas maraming tao at ari-arian ang masasalanta kapag walang aksyon na ginawa ang mga naninirahan dito dulot na rin ng banta ng mga pag-uulan dahil sa La Niña phenomenon o maraming mga pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, higit na lalakas ang La Niña at makakaranas ng apat na bagyo ang bansa hanggang sa unang kuarter ng 2021.
Samantala,inulat din ng PAGASA na titindi pa ang lamig sa bansa lalo na sa Baguio City sa pagpasok ng Disyembre ngayong taon hanggang Pebrero ng susunod na taon dahil sa amihan.
- Latest