^

Bansa

Bong Go: Crackdown vs illegal logging seryosohin, palakasin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na seryosong paigtingin ang paglansag sa illegal logging sa pagsasabing ang pagprotekta sa kalikasan ay malaking hakbang para malabanan ang epekto ng mga natural na kalamidad.

Sa isang ambush interview matapos pangunahan ang distribusyon ng tulong sa mga biktima ng nakaraang bagyo sa Plaridel, Bulacan, sinabi ni Go na iniutos na ng DILG ang crackdown sa illegal logging at mining, sa koordinasyon na rin ng DENR.

“Dapat palakasin ang kampanyang ito, alagaan natin ang kalikasan, lalo na ang kabundukan. Dapat magtanim tayo (ng kahoy) dahil ‘yun ang makakaprotekta sa atin mula sa pagbaha,” aniya pa.

Kaya naman hiniling niya sa gobyerno ang mahigpit na pagtugis sa mga nasa likod ng logging at quarrying.

Bukod sa illegal logging, isinisisi rin sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang nangyaring malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela provinces.

Ani Go, pinag-aaralan na ng Senado kung magsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

At dahil palaging nabubugbog ng mga kalamidad ang bansa, muling nanawagan si Go sa mga kasamang mambabatas na tulungan siyang maipasa ang inihain niyang Senate Bill No. 205 na maglilikha ng Department of Disaster Resilience.

Iginiit niya na sa pangmatagalang panahon, kailangan na ngayon ng bansa na maging disaster resilient sa pamamagitan ng pag-institutionalize sa isang departamento na siyang pangunahing hahawak ng responsibilidad sa pagtugon laban sa kalamidad.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with