^

Bansa

Sibakan sa Kamara patuloy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sibakan sa Kamara patuloy
Ayon kay Political Analyst Mon Casiple, tala­gang magkakaroon ng ‘silent majority’ sa liderato ni Velasco dahil sa dami ng napangakunan nito pero hindi naman napagbigyan habang inaasahan naman na madadagdagan pa ang masisibak sa puwesto.
Boy Santos, file

Solons dismayado sa liderato

MANILA, Philippines — Dismayado ngayon ang mayorya sa Kamara dahil sa patuloy na sibakan matapos alisin sa puwesto ang mga mahahalagang posisyon na taliwas sa pangako noon ni Speaker Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte na sila lang ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang magpapalitan ng puwesto.

Ayon kay Political Analyst Mon Casiple, tala­gang magkakaroon ng ‘silent majority’ sa liderato ni Velasco dahil sa dami ng napangakunan nito pero hindi naman napagbigyan habang inaasahan naman na madadagdagan pa ang masisibak sa puwesto.

Aminado ang mga political expert na hindi maiaalis na palagiang ihambing ang paraan ng pamumuno ni Velasco kay dating Speaker Alan Peter Cayetano at malaking hamon sa una na patunayan na may kakayahan itong mamuno at kayang mapag-isa ang mga mambabatas mula sa iba’t ibang partido pulitikal.

Kabilang sa mga sinibak bilang Deputy Speakers sina 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Batangas Rep. Raneo Abu, Capiz Rep. Fredenil Castro, Laguna Rep. Dan Fernandez at tinanggal din si Kabayan Rep. Ron Salo bilang kinatawan ng Kamara sa Electoral Tribunal.

Ang pinakahuling tinamaan sa rigodon ay si Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga mahahalagang isyu ng bansa.

Inimbestigahan ng komite ni Sy-Alvarado ang anomalya sa PhilHealth, iregularidad sa pamamahagi ng Social Amelioration Program, mataas na presyo ng kuryente sa panahon ng pandemic, sitwasyon ng mga Filipino migrants sa gitna ng COVID-19 crisis, ABS-CBN franchise renewal at 2021 national budget.

Nagbigay daan ang ginawang imbestigasyon ng komite ni Sy-Alvarado para bumilis ang pamamahagi ng SAP, bumaba ang singil sa kuryente at naging mabilis ang pag-uwi ng mga OFWs.

Si Alvarado ay isa 70 mambabatas na bumoto laban sa pagbabalik ng prangkisa ng ABS-CBN.

Para sa isang analyst na si Vic Endriga, malabo na mapagkaisa ni Velasco ang mga mambabatas dahil ngayon pa lamang ay maugong na ang kudeta laban dito kung saan matunog na mas nais ng mga mambabatas na maupo bilang House Speaker si Majority Leader Martin Romualdez, 4th District Cavite Rep. Elpidio Barzaga at ikinokonsidera rin si Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta.

KAMARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with