^

Bansa

‘Dagdag-bawas’ ng House haharangin ng Senado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Dagdag-bawas’ ng House haharangin ng Senado
Ayon kay Lacson, hindi aksyon ng isang lider ang ipinakitang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantalang kitang-kita ang paglaglag nito sa mga kongresista na kaanib ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.
Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Kinastigo ni Sen. Pan­filo Lacson ang gina­wang dagdag-bawas ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pondo ng mga kaalyado at kritikong kongresista sa ipinasa ng Kamara na 2021 national budget.

Ayon kay Lacson, hindi aksyon ng isang lider ang ipinakitang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantalang kitang-kita ang paglaglag nito sa mga kongresista na kaanib ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Ilan sa nakatamasa ng malaking budget increase ay ang Benguet, Albay at Abra.

Hindi naman nabawa­san ang budget ni Cayeta­no sa kanyang distrito na maaaring respeto na rin umano sa dating House Speaker.

Sinabi ni Lacson na mali ang ginawang dagdag-bawas sa pondo dahil lalong naging malaki ang disparity o agwat ng naging hatian ng pondo sa pagitan ng mga kongresista, halimbawa na ang P15.351 billion sa isang distrito kumpara sa P620-M sa ilan.

Una na rin kinumpirma ni Cayetano na P300-M hanggang P1 billion ang naging kapalit ng pagsuporta ng mga kongresista kay Velasco, ito umano ang dahilan kung bakit nagmamadali sa turnover ng Speakership noong Oktubre.

“No matter how House members deny, the appropriations in their approved General Appropriations Bill were influenced by the change in their leadership,” paliwanag ni Lacson.

Samantala sinabi ni House Minority Leader Stephen Paduano na ang district allocations na kinukuwestiyon ni Lacson ay maaari pa namang mabago sa bicameral conference committee.

Bilang tugon, sinabi ni Lacson na kanya talagang haharangin sa Bicam ang idinagdag na budget at ilalaan ito sa mas kinakailangang pagkagastusan, pangunahin na ang health issues at pagbangon ng ekonomiya dulot ng pandemic.

Target ni Lacson na tanggalin sa 2021 budget ang may P60 billion na infrastructure allocation na ipinasok ng mga mambabatas sa DPWH budget.

NATIONAL BUDGET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with