^

Bansa

'Iwasan niyo iyan': DOH sinaway leaders na kumakamay kahit COVID-19 pandemic

James Relativo - Philstar.com
'Iwasan niyo iyan': DOH sinaway leaders na kumakamay kahit COVID-19 pandemic
Nagbabatian gamit ang "shake hands" sina Bise Presidente Leni Robredo at ilang lugar sa Bikol na naapektuhan ng mga nagdaang sunud-sunod na bagyo, ika-18 ng Nobyembre
Twitter/Vice President Leni Robredo

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga lingkod bayan at publiko na itigil muna ang pakikipagkamay at yakapan sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, bagay na nangyayari pa rin hanggang ngayon sa kabila ng physical distancing protocols.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, matapos kumalat ang ilang litrato ni Bise Presidente Leni Robredo na humahawak ng senior citizens at mga bata habang bumibisita sa typhoon victims.

"Itong mga ganitong sitwasyon ngayon, siyempre, talagang nasasabik ang ating mga kakakabayan lalong-lalo na at gusto nilang maipakita ang taos-pusong pagpapasalamat sa ating mga government leaders," ani Vergeire sa reporters.

"Pero kailangan po maintindihan ng ating mga kababayan pati ang ating mga [government] leaders na iwas muna tayo sa physical contact ngayon."

Nagiging tampulan ngayon ng kritisismo ang ikalawang pangulo rahil dito, lalo na't mataas ang "risk" ng mga taong edad 60-anyos pataas sa malulubhang komplikasyon ng COVID-19.

Matatandaang na-quarantine lang si Robredo kamakailan matapos ma-expose sa taong may COVID-19. Gayunpaman, nag-negatibo ang kanyang test results sa nakamamatay na virus.

Basahin: Robredo, staff test negative for coronavirus

Wala pa namang pahayag si Robredo hinggil sa mga naturang batikos.

"Alam po natin ang ang virus na ito ay maaaring maipanghawa sa close physical contact. Kaya po iwasan natin 'yung paghawak kamay, pagshe-shake hands, pagyayakap," patuloy ng DOH official.

"Let's just try to comply with minimum public health standards. Maaari naman po tayong magkaroon ng ibang paraan para ipakita ang taos-pusong pasasalamat natin, both from the community and... our leaders."

Bagama't nagpla-"plateau" na ang COVID-19 infections sa Pilipinas nitong mga nagdaang araw, ipinaaalala ni Vergeire na dapat pa ring magpanatiling tamang physical distance dahil isa ito sa mga paraan kung paano maikakalat ang virus.

Umabot na sa 418,818 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa datos ng DOH nitong Linggo. Sa bilang na 'yan, 8,123 na ang patay.

DEPARTMENT OF HEALTH

LENI ROBREDO

PHYSICAL DISTANCING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with