^

Bansa

320K OFWs napauwi dahil sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
320K OFWs napauwi dahil sa COVID-19
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ngayong buwan ay may 38,516 OFWs ang nakalapag na ng Pilipinas at napauwi sa kanilang mga bayan o probinsya sakay ng mga bus o eroplano.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Aabot na sa 320,000 OFWs ang napauwi makaraang maapektuhan ng pandemya ang kani-kanilang mga hanapbuhay.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ngayong buwan ay may 38,516 OFWs ang nakalapag na ng Pilipinas at napauwi sa kanilang mga bayan o probinsya sakay ng mga bus o eroplano.

Ito ay makaraan na sagutin din ng Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) ang gastos sa tinuluyang mga hotel at pagkain ng mga OFWs habang naghihintay ng resulta ng kanilang COVID-19 tests bago mapauwi sa kanilang mga tahanan.

Pinayuhan din ng DOLE sa pamamagitan ng Institute for Labor Studies (ILS) ang mga OFWs na apektado ng pandemya na pumasok sa ‘virtual jobs’ bilang alternatibong trabaho ngayon.

Sinabi ni Ann Kristine Peñaredondo, ng ILS, na maaaring kumita rin ng sapat sa pamamagitan ng virtual jobs habang nasa loob ng bahay kung saan ligtas sa pangamba na mahawahan ng virus.

Kabilang sa mga trabaho ng mga kuwalipikadong OFWs ang pagi­ging writers, accountants, bloggers, advertisers, bookkeepers, coders, software engineers, illustrators, viodegraphers o kaya naman ay magtayo ng sariling negosyo.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with