Rep. Malapitan bagong head contingent ng HRET

MANILA, Philippines — Nahalal si Caloocan 1st District Rep. Dale “Along” Malapitan bilang head contingent ng House of Representative Electoral Tribunal (HRET) sa ilalim ng pamunuan ni House Speaker Lord Allan Velasco. 

Kabilang sa magiging tungkulin ng mambabatas bilang head contingent ng HRET ay ang pangunguna sa pagdinig at pagbibigay ng aksyon sa mga reklamo hinggil sa eleksyon, electoral returns, at kwalipikasyon ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Congressman Malapitan sa kanyang mga kasamahan sa kongreso sa pagtitiwala ng mga ito sa kakayahan na pamunuan ang HRET.

“It’s an honor to be elected as the head contingent of this honorable body and I vow to fulfill my duties and swiftly act on any petition or contest involving our members,” pahayag ni Malapitan na kasalukuyang nasa kanyang ikalawang termino bilang kinatawan ng Caloocan.

Show comments