^

Bansa

2.25-M estudyante 'walang pa rin kuryente' kahit distance learning, sabi ng senador

Philstar.com
2.25-M estudyante 'walang pa rin kuryente' kahit distance learning, sabi ng senador
Makikita sa undated photo na ito ang isang komunidad na gumagamit lamang ng mga kandila sa gitna ng gabi.
The STAR/Ernie Peñaredondo, File

MANILA, Philippines — Nasa 2.25 milyong estudyante sa ilalim ng Department of Education ang hindi naaabot ng kuryente sa kabila ng distance learning measures na ipinatutupad ng gobyerno sa gitna ng coronavirus disease, bagay na nabulgar kamakailan sa Senado.

Napipilitang mag-aral ngayon sa pamamagitan ng online classes, telebisyon, radyo at modules ang mga estudyante sa kani-kanilang mga bahay para hindi mahawaan ng COVID-19, bagay na pumatay na sa higit 8,000 sa Pilipinas.

Basahin: DOH: Lagpas 415,000 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas; patay nasa 8,025

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Biyernes, ito ang kanilang napag-alaman habang dinidinig ang proposed 2021 budgets ng DepEd at Department of Energy.

Mismong si Sen. Sherwin Gatchalian kasi — sponsor ng DOE budget — ang nagsabing 2.3 milyong kabahayan pa rin ang walang kuryente hanggang sa ngayon.

"So kung 22.5 million ang DepEd enrollment this year, then 10% of them are struggling under a new normal of education in which laptops and computers play an important role," ani Recto.

"Kung walang kuryente, paano ka makapanood ng lessons sa TV, or tatangggap ng assignments via email kung wala ngang power source ang cellphone mo?"

Bago pa nga raw tumama ang pandemya, milyun-milyong kabataan na raw ang masasabing "unplugged," hindi dahil gusto nila ngunit dahil napipilitan. 

Kung titignan daw mismo ang mga numero ng DepEd, hindi lang mga bahay ang namromroblema sa kawalan ng ilaw. Sa ngayon kasi, lumalabas 449 "Last Mile Schools" pa rin ang hindi nakakabit sa mga power grids sa mga liblib na lugar.

May kinalaman: 865 pribadong paaralan sarado next school year sa gitna ng COVID-19 crisis

Kinakailangan ngayon ng P3.85 bilyon para kabitan ng kuryente ang mga eskwelahan ito sabi ng DepEd, habang P25 bilyon naman ang kakailanganin para sa matindihang sitio electrification program. Ito aniya ang bubura sa 2.3 milyong bahay na madilim tuwing gabi.

"[H]omes without electricity can be found in an urban setting, where families are too poor to connect to and pay for billed electricity. Meron pa ring sa ilaw ng gasera nag-aaral o sa kalsada o tabi ng building na may ilaw," patuloy ni Recto.

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, buwan ng Hulyo lang nang sabihin ng Malacañang na susubukan na ng gobyerno payagan ang limitadong face-to-face classes simula Enero 2021.

Gayunpaman, sa "low-risk areas" pa lang daw ito gagawin.

"For basic education, we are saying maybe we can allow limited face to face learning but to be strictly regulated in the light of present conditions," sabi noon ni Education Secretary Leonor Briones. — James Relativo

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF ENERGY

DISTANCE LEARNING

ELECTRICITY

NOVEL CORONAVIRUS

RALPH RECTO

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with