^

Bansa

COVID-19 isolation areas sa domestic flights 'no need na' kahit pasahero may sintomas

Philstar.com
COVID-19 isolation areas sa domestic flights 'no need na' kahit pasahero may sintomas
Litrato sa loob ng eroplanong may sakay na pasaherong nakasuot ng face mask laban sa COVID-19
Release/Department of Foreign Affair

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang resolusyong magtatanggal sa requirement na "isolation areas" para sa mga eroplanong may sakay na pasaherong nagpapakita ng sintomas ng coronavirus disease (COVID-19), pagkukumpirma ng Malacañang, Biyernes.

Ito ay kaugnay na rin ng inilabas na Resolution 84 Series of 2020 ng IATF kahapon — bagay na nagluluwag sa mga "suspected/ill passengers" na sumasakay sa mga eroplano na lilipad lang sa loob ng Pilipinas.

"The IATF decision is based on the grounds that guidelines were issued based on available information at the time, and that more information is now available on how COVID-19 is transmitted in closed settings," ani presodential spokesperson Harry Roque sa isang pahayag.

Sabi sa ulat ng GMA News, hindi na rin naman daw ito kailangan gawin dahil ipinagpre-presenta muna ng RT-PCR o antigen test results ang mga pasahero bago pa man bumiyahe.

Ayon sa IATF, papayagan nila ito alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Sinang-ayunan na rin daw ito ng Department of Health (DOH).

Sabi pa ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, napakaiksi lang din daw ng oras na karaniwang itinatagal ng mga domestic flights — bagay na hindi lalagpas ng 1.5 oras.

"The DOTr is to issue the necessary amendatory guidelines," dagdag pa ni Roque.

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na umabot na sa 413,430 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling datos ng DOH nitong Huwebes. Patay na ang 7,998 diyan.

Hinigpitan din uli nang bahagya ang Davao City — hometown ni Duterte — ngayong araw lang at ibinalik sa general community quarantine (GCQ) hanggang ika-30 ng Nobyembre dahil na rin sa biglaang pagsirit ng COVID-19 cases doon. — James Relativo

AIRCRAFT

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with