SWS: Halos 2 sa 5 Pilipino ayaw magpabakuna vs COVID-19

Hiringgilya at boteng pinangalanang "COVID-19 vaccine," bagay na kinunan noong ika-17 ng Nobyembre, 2020. Nasa 42 candidate vaccines ang sumasailalim ngayon sa clinical trials, ayon sa World Health Organization (WHO).
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Bagama't malaki ang banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa kalusugan ng tao, mas mababa nang bahagya sa kalahati ng populasyon ng mga Pilipino ang hindi papayag magpabakuna laban dito kung nagkataon.

'Yan ang napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) matapos lumabas na 31% sa mga Pinoy ang hindi pabor sa COVID-19 vaccination, ayon sa survey na isinagawa mula ika-17 hanggang 20 ng Nobyembre, 2020.

Gayunpaman, mas maliit 'yan ng lagpas kalahati kumpara sa mga pabor magpabakuna sa bilang na 66%. Nananatili namang 4% sa mga Pilipino ang hindi pa nakapagdedesisyon.

Ganito ang mga lumabas sa datos matapos tanungin ng  "Kung mayroong bakunang makakapigil sa COVID-19 sa ngayon, kayo ba ay… [t]alagang magpapabakuna, Malamang magpapabakuna, Malamang na hindi magpapabakuna, Talagang hindi magpapabakuna?"

 

 

"Willingness to get the COVID-19 vaccine is significantly higher in Mindanao (73%) than in the Visayas (69%), Metro Manila (64%), and Balance Luzon (61%)," dagdag ng pag-aaral.

"Unwillingness to get the COVID-19 vaccine is slightly higher in Metro Manila and Balance Luzon (at 34% each) than in the Visayas (29%) and Mindanao (25%)."

Sa pandaigdigang antas, lumalabas na nasa pagitan ng mga New Zealanders at mga Amerikano ang mga Pilipino pagdating sa kanilang "willingness" na maturukan ng bakuna, ayon sa pag-aaral ng Massey University* nitong Hunyo 2020.

Mas "willing" naman ang mga Pilipino kumpara sa mga Amerikano ayon sa survey ng **Pew Research Center at Gallup.

  • *New Zealanders (74%)
  • Pilipino (66%, SWS survey)
  • **Amerikano (59%)

Umabot na sa 413 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health, Huwebes. Sa bilang na 'yan, 7,998 na ang patay.

Basahin: COVID-19 cases sa Pilipinas 413,430 na; patay lumobo sa 7,998

Lalaki mas pabor magpabakuna

Samantala, napag-alaman din ng pag-aaral na mas bukas ang mga lalaking Pilipino pagdating sa ideya ng COVID-19 vaccination kumpara sa kanilang female counterparts.

"The proportion of those who are willing to get a COVID-19 vaccine is significantly higher among men (71%) than among women (60%)," sabi ng pag-aaral.

 

 

Mas bukas din ang mga mas nakababatang populasyon ng Pilipinas pagdating sa pagpapaturok ng vaccine, habang pinakakontra rito ng mga nasa 35-44 year-old age range:

  • 18-anyos hanggang 24-anyos (68%)
  • 25-anyos hanggang 34-anyos (70%)
  • 35-anyos hanggang 44-anyos (61%)
  • 45-anyos hanggang 55-anyos (65%)
  • 55-anyos pataas (65%)

Ito ang lumalabas kahit una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) at US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na pinaka-"high risk" sa malalalang uri ng COVID-19 ang mga taong edad 60-anyos pataas.

'Pinoy mas gugustuhin ang COVID-19 vaccine kaysa Dengvaxia'

Mas pabor namang mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mas maraming Pilipino kaysa Dengvaxia, isang kontrobersyal na bakuna kontra dengue iniuugnay ng ilang magulang sa pagkamatay ng kanilang anak.

Basahin: How the Dengvaxia scare helped erode decades of public trust in vaccines

May kinalaman: Beyond the Dengvaxia scare: Complacency, devolution of health system also account for measles outbreak

Lumalabas na 62% ng mga Pilipino ang nagsasabing dapat itong ipagbawal na ibenta sa Pilipinas kontra sa 16% naokey lang dito, habang 21% ang hindi makapagdesisyon.

Nasa 42% naman ang pabor na mabakunahan ng Dengvaxia ang kanilang kamag-anak kontra sa 32% na ayaw. 

"This shows that Filipinos are more willing to get the COVID-19 vaccine than they were to get Dengvaxia," sambit ng pag-aaral.

Isinagawa ang SWS mobile survey sa 1,249 Pilipino edad 18-anyos pataas sa buong Pilipinas, at may sampling error margin na ±3% sa national percentages, ±6% para sa Metro Manila, ±5% para sa Balance Luzon, ±6% para sa Visayas, at ±6% for Mindanao.

Non-commissioned ang naturang pag-aaral at isinagawa ng SWS sa sarili nitong inisyatibo bilang "public service."

Show comments