Pinsala ni Ulysses sa imprastraktura, agrikultura abot na sa P10 bilyon
MANILA, Philippines — Aabot na sa P10 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Peter Galvez na ang pinsalang iniwan ng naturang bagyo sa sektor ng agrikultura ay pumapalo na sa P4 billion, habang sa imprastraktura ay nasa P6.1 billion.
Mababatid na mahigit 70 katao ang binawian ng buhay nang manalasa ang bagyong Ulysses, at ilang ari-arian din ang nasira, nang dumaan ito sa ilang bahagi sa Luzon.
Bukod dito, halos kalahating milyon ang nawalan ng bahay dahil sa epekto ng bagyo.
Nakaranas ng malawakang pagbaha ang Cagayan Valley matapos na magpakawala ng tubig ang Magat Dam mula sa kanilang reservoir para maiwasan na pumalo ito sa kanyang spilling level.
- Latest