^

Bansa

'After 3 years': 2,800 pamilya sa Marawi nasa pansamantalang tirahan pa rin

Philstar.com
'After 3 years': 2,800 pamilya sa Marawi nasa pansamantalang tirahan pa rin
Makikita ang wasak-wasak na mga kabahayang ito sa Marawi City, na naging sentro ng bakbakan ng gobyerno at Maute-ISIS group noong 2017
AFP/Ferdinandh Cabrera

MANILA, Philippines — Mahigit tatlong buwan matapos ang madugong Marawi seige na ikinamatay ng pagkarami-rami sa Mindanao, libu-libo pa rin ang wala sa sariling tahanan at nanunuluyan sa mga pansamantalang tahanan, ayon sa isang ulat na inilahad sa Senado ngayong Huwebes.

Tinatayang nasa 1.1 milyong katao ang lumikas matapos ang bakbakan ng gobyerno at Maute-ISIS noong Oktubre 2017 ayon sa ulat ng The Economist, labas pa sa civil, government at terrorist casualties.

"As of today, ang naka-shelter po dun sa mga temporary shelters ay mga 2,800 pa," ayon kay Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig kanina ng budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

"Wala na pong nasa evacuation centers."

Basahin: Duterte vows to rebuild war-torn Marawi to its old glory

Ito ang kanyang naging tugon nang tanungin ni Sen. Francis Pangilinan habang pinagdedebatihan ang 2021 budget ng DHSUD.

Dahil nasa temporary shelters pa rin, pinopondohan pa rin ng gobyerno ang libreng tubig, kuryente, at kabuhayan ng 2,800 pamilya ayon sa mga impormasyon na nakalap mula sa mga opisyales ng DHUSD.

Tinatayang nasa 2,000 permanenteng pabahay ang planong itayo ng Task Force Bangon Marawi sa Disyembre. 46% diyan ay tapos na.

Kasalukuyang nasa P5.448 bilyon ang proposed budget ng DHSUD at mga attached agencies nito para sa taong 2021, kasama ang:

  • National Housing Authority (P2 bilyon)
  • National Home Mortgage Finance Corporation (P1 bilyon)
  • Social Housing Finance Corporation (P369 milyon)
  • Human Settlements Adjudication Commission (P191 milyon)

Kaugnay nito, kanina lang din nang irekomenda ni Sen. Francis Tolentino ang ad interim appointment ni Eduardo del Rosario bilang kalihim ng DHSUD.

"Not a stranger to equally difficult and herculean tasks, he is also the head of the Task Force "Bangon Marawi". The task force was created in June 2017 in the aftermath of the Battle of Marawi," ani Tolentino.

"Among his achievements was the formulation of the Task Force's Master Development Plan, also called the R.I.S.E. plan, which stands for Resilience, Identity, Sustainability, and Evolution. These stand as the four pillars of the Marawi rehabilitation efforts which have served to anchor all their projects." 

Matatandaang nagdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao noong 2017 dahil sa mga kaguluhan noon sa Marawi City.

May kaugnayan: Duterte declares martial law in Mindanao

Sa kabila nito, nagtapos lang ito sa ngayong 2020 kahit na idineklarang "liberated" na mula sa mga terorista ang lungsod noong ika-17 ng Oktubre, 2017. — James Relativo

FRANCIS PANGILINAN

FRANCIS TOLENTINO

MARAWI CITY

MARAWI SEIGE

RISA HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with