^

Bansa

Walang tigil klase - DepEd

Angie dela Cruz, Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Walang tigil klase - DepEd
“Hindi na po siguro mangyayari ito dahil sa nabanggit ko, bukod (dito) maaaring i-correct niyo po ako, kung may alam po tayong bansa na maaa­ring hindi po nagtuloy ng kanilang unang araw ng pasukan dahil sa COVID-19, parang wala po,” pahayag ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi magpapatupad ng academic freeze ang Department of Education (DepEd) sa kabila ng sunud-sunod na pananalasa ng malalakas na bagyo sa bansa.

Tugon ito sa kaliwa’t kanang panawagan mula sa mga estudyante at ibang sektor na pansa­mantalang suspindihin ang klase hanggang ko­lehiyo at ipasa ang mga estudyante bilang konsideras­yon sa sunud-sunod na kalamidad na naranasan ng bansa.

“Hindi na po siguro mangyayari ito dahil sa nabanggit ko, bukod (dito) maaaring i-correct niyo po ako, kung may alam po tayong bansa na maaa­ring hindi po nagtuloy ng kanilang unang araw ng pasukan dahil sa COVID-19, parang wala po,” pahayag ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali.

“Kung gagawin na­ting barometro ang ginagawa ng buong mundo patungkol sa edukasyon ng mga bata, wala pong nagka-academic freeze dahil palagay po namin ito ang tamang polisiya, ang magpatuloy,” ayon pa kay Umali.

Sinabi pa niya na ang ipinatutupad nila ay “academic ease,” kung saan ang mga estudyante ay binigyan ng flexible time para makapagsumite ng kanilang mga requirements.

Tutol din ang Commission on Higher Education na magkaroon ng unila­teral class suspension sa buong Luzon dulot ng sunud-sunod na kalamidad.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera III, hindi akma ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng  State Universities and Colleges sa buong Luzon dahil ilang lugar lang naman ang apektado ng nagdaang mga pagbagyo.

Ayon kay De Vera, mas makabubuting ang pamunuan ng mga eskwelahan ang magdedesisyon kung dapat bang suspindihin ang klase hanggang sa Disyembre.

Binigyang diin ni De Vera na ang pagdedeklara ng suspension ng klase ay hindi nila polisiya.

Kung titingnan anya ang mga nasalantang lugar ng nagdaang pagbagyo, tanging ang Bicol Region, Rizal Province, Marikina City, Cagayan Valley at Isabela lamang ang ma­tinding napinsala habang mas maraming lugar ang hindi naman naapektuhan.

Una rito, tinabla ng Malacañang ang hirit na nationwide academic break ni Kabataan Rep. Sarah Elago sa gitna ng pandemic at sa sunud-sunod na kalamidad sanhi ng bagyo at baha.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapatupad ng blended learning ang DepEd sa mga pampublikong eskuwelahan kung saan karamihan sa mga estudyante ay gumagamit ng modules kaya walang dahilan para magkaroon ng academic break.

Sinabi ni Roque na hindi naman masyadong apektado ang mga mag-aaral dahil wala namang nagaganap na face to face classes.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with