MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang ang kaligtasan ng mga pamilyang na-displace ng mga nagdaang bagyo gaya ng Typhoon Ulysses mula sa coronavirus disease (COVID-19) sa dahilang mabibigyan naman daw sila ng libreng testing.
Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes, matapos irekomenda ng OCTA Research Team sa gobyerno na magsagawa ng sapat at abot-kayang testing at contact tracing sa mga evacuation sites — bagay na siksikan ngayon dahil sa mga nagdaang bagyo.
"Bago pa po 'yan imungkahi 'yan ng OCTA Research Group, eh ina-assure ko po kayo na in place na ho 'yung polisiya ng gobyerno na magbigay po ng COVID testing sa mga evacuation centers," ani Roque sa isang briefing.
"At ngayon po ang gagamitin nga po natin para mas marami at mas mabilis ay ang antigen test sa lahat ng ating mga evacuation centers."
LOOK: Several families are crammed with their belongings and await donations from organizations and the local government at the San Mateo Elementary School in Rizal, which was turned into an evacuation center after Typhoon #UlyssesPH ravaged homes.
— Philstar.com (@PhilstarNews) November 16, 2020
????: STAR/Miguel de Guzman pic.twitter.com/pkZ8nx8mUQ
Libre raw ito at napagdesisyunan na ng gobyerno "bago pa dumating ang serye ng mga bagyo" na nagsimula pa noong Oktubre nang dumating ang bagyong Pepito.
Sa kabila niyan, kanina lang nang sabihin ni Isabela Gov. Rodolfo Albano III na walang pondo sa COVID-19 testing para sa mga evacuation centers na kanilang nasasakupan.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong ika-2 ng Nobyembre na "hindi pa magagawa" ang COVID-19 testing sa mga evacuation centers noong kasagsagan ng epekto ng Super Typhoon Rolly.
Basahin: DOH: COVID-19 testing sa evacuation centers 'ideyal kaso hindi magagawa'
May kinalaman: No funds for COVID-19 testing in Isabela shelters — governor
Health protocols sa centers
Biyernes pa lang nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na kinatatakutan nila ngayon na tumaas ang hawaan ng COVID-19 sa mga tinutuluyang centers, dahilan para kanyang udyukin ang local government units (LGUs) na pasunurin sa minimum health standards ang libu-libong lumikas.
Ayon kay Francisco, "very strong" ang posibilidad na lumobo ang kaso sa mga nasabing lugar.
Ilan sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyong "Ulysses" ay ang Cagayan Valley, National Capital Region (NCR) at CALABARZON.
Basahin: DOH fears COVID-19 spike from evacuation centers
"Bagama't ipinapatupad po natin sana 'yung social distancing sa mga evacuation centers, eh minsan po talaga eh hindi maiwasan dahil halos napakarami ponating mga kababayan na talagang sumilong sa ating evacuation centers," ani Roque.
"Ang importante naman po, sang-ayon naman sa Department of Health (DOH), 'yung recommendation nilana magkaroonng separate facilities para doon sa mga may sintomas, eh napatupad naman po 'yan."
Sa huling tala ng DOH noong Lunes, umabot na sa 409,574 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 7,839 na ang patay.