MANILA, Philippines — Pinalagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga panawagan na na magpatupad ng "academic break" sa buong Luzon o buong bansa matapos salantahin ng nagdaang Typhoon Ulysses ang bansa nitong nagdaang linggo, bagay na pumerwisyo at bumawi sa buhay ng pagkarami-rami.
Basahin: Ulysses death toll hits 69; 1.7 million affected
Ilang unibersidad at lokal na pamahalaan na kasi sa Metro Manila ang nagdeklara ng academic break at suspensyon ng klase bilang tugon na rin sa laki ng pinsalang dinala ng nagdaang bagyo.
'Bahala na ang ang mga school admin'
Pero imbis na unilateral policy sa sasaklaw sa lahat, sinabi ni CHED chairperson Prospero de Vera na mas nasa magandang posisyon mga paaralan na ibaba ang njasabing kautusan.
"No to both, especially for the nationwide academic break because the impact of the typhoon and the disasters are different across different parts of the country," paliwanawag ni de Vera, Martes, sa panayam ng CNN Philippines.
"We leave that to the school authorities, because different schools and different students and families are affected differently."
Ani De Vera, dapat ay nakabatay sa partikular na sitwasyon ng isang lugar ang mga polisiya dahil hindi naman daw pare-pareho ang pinsalang idinulot ng bagyo sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Halos linggo-linggo ang pagpasok ng panibagong bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) simula Oktubre: mula kay Pepito, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo at Ulysses. Dahil diyan, naapektuhan nito ang pag-aaral at pagtuturo ng mga estudyante't mag-aaral sa kasalukuyang blended at distance learning programs.
May kinalaman: State of calamity pushed for Luzon
Ilan sa mga eskwelahang nagbaba ng isang linggong suspensyon ng klase ay ang University of the Philippines (UP), University of Santo Tomas (UST), Ateneo de Manila University (ADMU) at De La Salle University (DLSU) para na rin makabawi ang mga estudyante at faculty na naapektuhan ng mga pagbaha at pagkawala ng kuryente.
"Bahala silang mag-assess, and then from there we go on and discuss this matter based on the assessment of universities," sabi pa ni De Vera.
Enero 2021 class resumption sa Marikina?
Sa Marikina — na isa sa nilubog ng baha gaya ng Cagayan — maaaring dalawang buwan isususpindi ang klase, ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa ANC.
May kaugnayan: PCG: 195 nasagip sa mga pagbaha ng Cagayan Valley dulot ni 'Ulysses'
"I decided to suspend classes because the proper environment is not present at this point in time for our students to have distance learning at home. The month-long suspension, when it ends, the Christmas break will commence," ani Teodoro.
"We're thinking classes will resume by January."
Umabot na aniya sa 50,000 pamilya ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan matapos malubog sa hanggang tuhod na baha o putik. Nasa 9,000 bahay pa rin naman daw ang walang kuryente.
Sasaklawin nito ang basic, secondary at tertiary levels, sabi ng alkalde para mabigyan ng pagkakataon ang rehabilitasyon.
Academic strike
Labas sa panawagang academic break, itinutulak naman ngayon ng ilang grupo ang boykoteyo ng nalalabing academic school year dahil na rin sa kapabayaan diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa mga bagyo at coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ilan na nga sa mga naunguna riyan ang ilang lider-estudyante mula sa ADMU, bagay na sinundan ng marami pang mag-aaral sa mga mayor na eskwelahan.
Dahil dito, hindi magsusumite ng academic requirements hangga't hindi raw inaayos ni Duterte ang kanyang pagtugon sa mga kalamidad.
NGAYON: Naglulunsad ng protesta sa Ateneo ang mga estudyante mula sa iba't ibang pamantasan upang singilin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kriminal na kapabayaan nito sa mga nagdaang sakuna.#YouthStrikePH #OustDuterte pic.twitter.com/yIYQsk6Kv1
— Philippine Collegian (@phkule) November 17, 2020
Suportado naman ng mga propesor mula sa UP Diliman ang naturang "mass strike," at nananawagang itigil ang mga klase para makapag-focus sa relief efforts.
"We call on our colleagues, students, academic staff and workers in the University to join us in conducting a mass strike and directing our efforts toward a suystained humanitarian response to the please of typhoon victims," ayon sa Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND UP).
"We call on them to also take a stand for the good of the people: Oust Duterte, end his fascist rule."
Binalaan na ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga mag-aaral na maari silang bumagsak kung lumiban sa klase at sa pagpasa ng mga academic requirements.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga grupong Kilusang Mayo Uno, Kabataan party-list at Bayan Muna na nasabing strike.
Umabot naman sa 228 miyembro ng UP faculty ang pumirma sa unity statement ng Rise for Education - UP Diliman para tapusin na, agad-agad, ang semestre.