Magnitude 6 na lindol naitala bandang Surigao del Sur; pinsala inaasahan
MANILA, Philippines — Pinsala ang inaasahan ngayon ng state volcanologists matapos yugyugin ng malakas na paglindol ang ilang lugar sa Kabisayaan at Bicol, Lunes.
Bandang 6:37 a.m. nang ugain nito ang epicenter na San Agustin, Surigao del Sur, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong umaga.
#EarthquakePH #EarthquakeSurigaoDelSur#iFelt_SurigaoDelSurEarthquake
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) November 16, 2020
Earthquake Information No.2
Date and Time: 16 Nov 2020 - 06:37 AM
Magnitude = 6.0
Depth = 033 kilometers
Location = 08.64N, 126.47E - 029 km S 67° E of San Agustin (Surigao Del Sur)https://t.co/Sau0VfRwvd pic.twitter.com/UX3Z0n5Dq3
Sinasabing "tectonic" ang pinagmulan ng pagyanig: "Tectonic earthquakes are produced by sudden movement along faults and plate boundaries," paliwanag ng Phivolcs.
Naranasan ang mga sumusunod na intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V:
- City of Bislig, Surigao del Sur
- Rosario, Agusan del Sur
Intensity IV:
- Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Surigao Del Sur
Intensity III:
- Cagayan de Oro City
- Tagaloan, Villanueva, Balingasag, Misamis Oriental
Intensity II:
- El Salvador City, Initao, Luagit, Manticao, Misamis Oriental
- Virac, Catanduanes
Intensity I - Iligan City
Basahin: 'Magnitude' at 'intensity' ng lindol, ano ang pinag-iba?
Inaasahan ang mga pinasala at aftershocks mula sa nasabing lindol na umabot hanggang intensity V.
Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang tsunami — o biglaang pagragasa ng tubig mula sa mga dagat patungong pangpang mula sa lindol — dulot ng insidente.
"A strong earthquake with a preliminary magnitude of 6.0 occurred in Offshore Surigao Del Sur, Philippines on 16 November 2020 at 06:37 AM (Philippine Standard Time) located at 08.64 oN, 126.47oE with depth of 33 km. No destructive tsunami threat exists based on available data."
- Latest