^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 406,337; patay 7,791 na

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 406,337; patay 7,791 na
Makikitang pauwi na ng bahay habang nakasuot ng face masks kontra COVID-19 ang mga residenteng ito mula sa Marikina City, matapos lang masalanta ng nagdaang Typhoon Ulysses, ika-13 ng Nobyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kahit umaaray pa ang malaking bahagi ng bansa sa hagupit ng Typhoon Ulysses, wala pa ring awat ang pagdapo ng coronavirus disease sa sari-saring tao sa Pilipinas, Sabado.

Tumuntong na kasi sa 406,337 ang kumpirmadong infections sa Pilipinas, matapos pang mahawaan ang 1,650 katao, ayon sa Department of Health ngayong araw.

Kaugnay nito, siyam na laboratoryo naman ang hindi nakapagpasa ng kani-kanilang mga bagong datos sa COVID-19 Data Repository System — dahilan para hindi maiulat ang iba pang kaso.

Sa mga nakapagpasa ng datos, nahinuha na karamihan sa mga COVID-19 cases na inilabas ng kagarawan:

  • Laguna (84)
  • Davao City (81)
  • Cavite (73)
  • Quezon (71)
  • Rizal (64)

Nasa 35,478 naman sa ngayon ang bilang ng "active cases" sa bansa, bagay na nakuha matapos iawas sa case tally ang mga gumaling at namatay na mula sa virus.

Sumatutal, 7,791 na ang binabawian ng buhay matapos dapuan ng COVID-19. Mas marami 'yan ng 39 kumpara sa mga bilang kahapon.

Nasa 194 naman ang newly reported recoveries, dahilan para humakbang ang mga gumagaling sa nakamamatay na sakit sa bilang na 369,068.

Tinanggal naman na mula sa total case count ang 26 duplicates sa ngayon, matapos mapag-alamang 13 sa kanila ay gumaling na.

Kaugnay niyan, nireklasipika naman bilang deaths ang mga naunang naibalitang paggaling ng 16 katao mula sa COVID-19.

Ngayong hapon lang nang iulat ng The Guidon, opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Ateneo de Manila, ang paglagda ng 150 Atenista sa isang "mass student strike statement" bilang protesta sa tugon ng gobyerno sa COVID-19 at mga nagdaang bagyo.

Panawagan nila ngayon na ibuhos ng estado ang pagsusumikap nito para maibalik sa dati ang mga pinakabulnerableng sektor na naapektuhan nito sa Pilipinas.

"We pledge TO WITHHOLD THE SUBMISSION OF ANY SCHOOL REQUIREMENTS starting NOVEMBER 18, 2020 until the national government heeds the people's demands for proper calamity aid and pandemic response," ayon sa mga lumagda sa pahayag.

"The national government must act now or step down from their positions. No compromises."

Umabot na sa higit 52.5 milyon ang kaso ng COVID-19 ngayon sa buong daigdig, ayon sa pinakabagong tala ng World Health Organization. Nasa 1.30 milyon naman sa kanila ang namamatay matapos madali ng sakit.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with