^

Bansa

PCG: 195 nasagip sa mga pagbaha ng Cagayan Valley dulot ni 'Ulysses'

James Relativo - Philstar.com
PCG: 195 nasagip sa mga pagbaha ng Cagayan Valley dulot ni 'Ulysses'
Kuha ng iba't ibang rescue operations ng Philippine Coast Guard sa gitna ng mga pagbaha sa Cagayan Valley dulot ng bagyong "Ulysses," ika-14 ng Nobyembre, 2020
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Mahigit-kumulang 200 katao na ang nasasagip ng Philippine Coast Guard dulot ng matitinding pagbahang dala ng Typhoon Ulysses ilang araw lang matapos makalayo ng Pilipinas ang Super Typhoon Rolly — ang pinakamalakas na bagyo para sa taong 2020.

Basahin: Ulysses deaths hit 42; dozens missing

Nalubog kasi nang husto ang ilang lugar sa rehiyon ng Cagayan Valley, primarya ang Tuguegarao City at probinsya ng Cagayan at Isabela.

Marami sa mga nabanggit ay na-trap sa kani-kanilang mga bubungan matapos magpakawala ng sandamukal na tubig ang tatlong gates ng Magat Dam.

Bandang 6 a.m. ay nasa taas itong 192.16 meters habang 193 ang spilling level nito.

Ang mga sumusunod ay natagpuan ng PCG sa mga sari-saring residential areas na nalubog:

  • 15 katao mula sa Modelro, Sitio Pantalan, at Pantabangan sa Tumauini, Isabela
  • 50 katao sa Barangay 12, Tuguegarao City
  • 47 katao sa Pengue Ruyu, Tuguegarao City
  • 13 katao sa Caritan Norte, Diversion Road, at Anufuan West, Tuguegarao City
  • 70 katao sa Linao East, Tuguegarao City

"As of 09:00 a.m. today... the [PCG] National Headquarters has safely deployed the second convoy of deployable response groups (DRGs) to aid the ongoing rescue operations in Isabela, Tuguegarao, and Cagayan," ayon sa pahayag ng coast guard, Sabado.

"Said DRGs are composed of 60 rescue and medical personnel, two buses, one 12-wheeler boom truck, two M-35 trucks, and a total of seven drivers."

Ang mga nabanggit ay equipped ng dalawang rubber boats at tatlong generator sets, maliban sa 44 drum ng feudl para sa rescue assets at vehicles.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal, umabot na sa 343,202 katao ang naaapektuhan ng naturang bagyo sa Cagayan Valley.

Sa bilang na 'yan, 13,798 ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers habang 3,798 naman ang nasa kani-kanilang mga kamag-anak.

"[There are] 22 flooding incidents [in Cagayan Valley]: 1 City and 21 muicipalities with 143 barangays," ani Timbal.

Samantala, patungo na rin ang ilang rescue teams ng Philippine Red Cross patungong Cagayan para masuportahaan ang rescue operations sa mga flooded areas.

Relief efforts

Bukod pa riyan, patuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng iba't ibang grupo para mapakain ang mga nasalanta ng nasabing bagyo.

"Meanwhile, our Cagayan Chapter volunteers and staff have already started distributing hotmeals to the evacuees," ayon kay Philippine Red Cross chairperson Sen. Richard Gordon.

Humihingi naman ngayon ng mga panalangin si Vice President Leni Robredo sa mga niragasa ng tubig sa hilagang bahaging Luzon, lalo na't marami ang nagpapa-rescue.

"We deployed our security team to coordinate with [the Armed Forces of the Philippines] all the calls for rescue we are reading now," ayon sa ikalawang pangulo, Biyernes.

Tuloy pa rin naman ang pagkilos ng ilang grupo para tulungan pati ang mga lubhang naapektuhan ng bagyo sa National Capital Region (NCR), lalo na sa Marikina City na dati nang tinamaan ng bagyong Ondoy noong 2009.

CAGAYAN VALLEY

NDRRMC

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE RED CROSS

ULYSSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with