^

Bansa

P4.25 bilyon ari-arian winasak ni Ulysses

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P4.25 bilyon ari-arian winasak ni Ulysses
Muling nagtulung-tulong ang iba’t ibang rescue team na pinangunahan ng PNP para ma­hanap ang 5 iba pa matapos matabunan ang kanilang mga bahay malapit sa isang malaking minahan sa Barangay Runruno, Nueva Vizcaya dahil sa bagyong Ulysses. Umaabot sa 10 katao ang nailibing ng buhay habang 5 ang nakaligtas.
Victor Martin

MANILA, Philippines — Nag-iwan ang bagyong Ulysses ng P4.25 bilyong halaga ng imprastraktura na nawasak sa malaking bahagi ng Luzon at Metro Manila.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar na kabilang sa mga nasira ang maraming mga kalsada, tulay, seawalls at mga pampublikong gusali.

Kahapon, may 52 kalsada pa ang hindi madaa­nan dahil sa pagkakabaon sa putik at lupa dulot ng landslides, mudflows, pagbagsak ng mga puno at pagbaha.

May 14 sa mga kalsada ang nasa Cordillera Admi­nistrative Region, isa sa Ilocos Region, 13 sa Cagayan Valley, walo sa Central Luzon, pito sa Calabarzon, walo sa Bicol Region at isa sa Eastern Visayas.

Sa Metro Manila, kapansin-pansin ang pagkasira ng bahagi ng Marcos Bridge sa Marikina nang humampas dito ang dambuhalang “shoe landmark” ng lungsod na tinangay ng baha habang ang R-10 Bridge sa Malabon ay nasira ang railings dahil sa paghampas dito ng isang barko.

 

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with