^

Bansa

Malawakang ‘blackout’ sa Luzon, Metro Manila naranasan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Malawakang �blackout� sa Luzon, Metro Manila naranasan
Sa advisory kahapon ng NGCP, 32 transmission lines sa Northern at Southern Luzon ang nasira ng bagyong Ulysses at patuloy ang isinasagawang restorasyon ng mga ito.
Photo release

MANILA, Philippines — Nakaranas ng malawakang ‘blackout’ ang maraming lugar sa Luzon at Metro Manila makaraang sirain ng malalakas na hangin at ulan ng bagyong Ulysses ang mga ‘transmission lines’ ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) at ang mga linya ng kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa advisory kahapon ng NGCP, 32 transmission lines sa Northern at Southern Luzon ang nasira ng bagyong Ulysses at patuloy ang isinasagawang restorasyon ng mga ito.

“Inspection and restoration of lines in the affected areas will be in full swing as soon as the weather allows,” ayon sa NGCP.

Walong transmission lines naman ang naibalik na ang operasyon. Kabilang dito ang: Batangas-Mabini 69 kilovolt(kV) Line; Lumban-Famy 69kV Line; Pitogo-Mulanay 69kV Line; Naga-Libmanan 69kV Line; Naga-Tinambac 69kV Line; Daraga-Ligao 69kV Line; Daraga-Legazpi 69kV Line; at Daraga-Sorsogon 69kV Line.

Samantala, umabot naman sa halos apat na milyong kustomer ng Meralco ang nawalan ng kuryente dakong alas-5 kahapon ng umaga.  Bumaba ito sa 1.94 mil­yon dakong alas-12 ng tanghali dahil sa walang tigil na restorasyon at pagkukumpuni ng kumpanya sa kanilang mga poste at power lines.

Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, labis na nakaapekto sa kanilang aksyon ang mga baha sa maraming lugar na kinailangang hintayin muna nilang humupa bago makapagserbisyo ang kanilang mga line personnel.

Humihingi rin ng pang-unawa ang Meralco sa mga customer dahil sa hindi pa makapagbigay ng tiyak na oras sa pagpapanumbalik ng kuryente sa mga nalalabing lugar dulot ng patuloy na sama ng panahon at kundisyon ng mga kalsada.

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->