^

Bansa

10 lugar Signal No. 1 dahil sa Tropical Storm Ulysses; Quezon 'hahagipin bukas'

James Relativo - Philstar.com
10 lugar Signal No. 1 dahil sa Tropical Storm Ulysses; Quezon 'hahagipin bukas'
Satellite image ng bagyong "Ulysses"
Screengrab mula sa https://earth.nullschool.net/

MANILA, Philippines — Nanganganib ngayon ang ilang bahagi ng Bikol at CALABARZON sa patuloy na paglakas at paglapit ng bagyong Ulysses sa kalupaan ng Pilipinas — bagay na maaaring umabot ng signal no. 3, ayon sa taya ng state weather bureau, Martes.

Bandang 10 a.m. nang mamataan ang sama ng panahon 475 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Ayon sa PAGASA, lalo pang nag-ibayo ang naturang sama ng panahon matapos umabot sa 75 kilometro kada oras ang lakas ng hangin nito malapit sa gitna.

Aabot sa 90 kilometro kada oras ang bugso nito at kumikilos sa direksyong hilagangkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

"[T]he center of 'ULYSSES' is more likely to make landfall over Quezon on Thursday morning, with a close approach of Catanduanes and Camarines Norte tomorrow afternoon and evening, respectively," ayon sa forecase na inilabas ng gobyerno.

"However, slight southward shift in the orientation of the track forecast shows an increasing likelihood of landfall over Bicol Region tomorrow afternoon or evening."

Tinatayang lalakas pa ang bagyo patungong severe tropical storm category ngayong gabi, at posibleng magiging ganap na typhoon bukas nang hapon o gabi.

Malaki ang posibilidad na sasalpok sa lupa ang bagyo sa peak intensity, o pinakamalakas nitong estado.

Dahil sa mga nabanggit, kasalukuyang nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Catanduanes
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur 
  • Albay 
  • Sorsogon
  • silangang bahagi ng Masbate (Aroroy, Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Uson, Dimasalang, Masbate City, Mobo, Baleno) kasama ang Ticao at Burias Islands
  • timog bahagi ng probinsya ng Quezon (Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Lopez, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez)

 
Visayas:

  • Northern Samar 
  • hilagang parte ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
  • hilagang bahagi ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Sinasabing 30-60 kilometro kada oras ang iiral na lakas ng hangin sa mga sumusunod na lugar sa loob ng 36 oras.

Lakas ng pag-ulan

Ngayong araw, magdadala ng ma hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, at Apayao.

"Light to moderate with at times heavy rains due to 'ULYSSES' will also be experienced over Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern and Central Visayas, Caraga, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi," wika pa ng pamahalaan.

"Moderate to heavy rains associated with the rainbands of 'ULYSSES' will begin affecting Bicol Region and portions of Eastern Visayas tomorrow."

Hindi rin malayo ang mga storm surge, o pagrasa ng tubig sa mga baybayin, na aabot sa 1.0 hanggang 2.0 metro ang taas sa CALABARZON, Aurora, Camarines Provinces, Catanduanes, Albay, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Romblon, at Marinduque, kanlurang coastal area ng Masbate kasama ang Burias Island, at hilagang coastal areas ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro kasama ang Lubang Island.  

Ang mga naturang storm surges, na may kasamang "swells" at "breaking waves" patungong pangpang ay maaaring makamatay at magdulot ng pinsala sa coastal inundation. 

PAGASA

TROPICAL STORM

ULYSSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with