^

Bansa

Bagong bagyong 'Ulysses' tinutumbok ang Bikol sa paglabas ni 'Tonyo' ng PAR

Philstar.com
Bagong bagyong 'Ulysses' tinutumbok ang Bikol sa paglabas ni 'Tonyo' ng PAR
Litrato ng bagyong "Ulysses" at "Tonyo" bandang 4 a.m. sa monitoring ng PAGASA, Lunes
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Sa paglabas ng Tropical Storm Tonyo mula sa Philippine Area of Responsibility (PAR), isang bagong sama ng panahon ang nagbabadya sa rehiyon ng Bikol na sinusubukan pa lang bumangon mula sa nakaraang delubyo.

Ayon sa forecast ng PAGASA, natagpuan ang mata ng bagyong "Tonyo" 710 kilometro kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro bandang 4 a.m., Lunes at may lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Meron naman itong bugsong aabot sa 80 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong pakanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Wala namang tropical cyclone wind signal (TCWS) sa ngayon, ngunit magdadala pa rin ang nasabing bagyo ng masungit na panahon.

"Today, 'TONYO' is forecast to bring moderate to heavy rains over Kalayaan Islands," ayon sa state weather bureau.

Sa kabila niyan, hindi lang 'yan ang magdadala ng mga pag-ulan sa bansa, dahil sa isa pang binabantayang bagyo na nasa loob ng PAR.

Bagyong 'UIysses'

Napanatili ng Tropical Depression Ulysses ang lakas nito, at kasalukuyang may dalang hangin na aabot ng 45 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Nananatili namang nasa 55 kilometro kada oras ang dala nitong bugso. Kumikilos ito sa direksyong hilagangkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

"Nasa karagatan pa rin ang bagyong 'Ulysses' at nasa layong 800 kilometers east ng Surigao City, Surigao del Norte," ayon kay Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA.

Palalakasin ng parehong bagyong "Tonyo" at "Ulysses" ang umiiral na easterlies ngayong araw, bagay na magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Babuyan Islands, mainland Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Aurora at hilagang bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands.

Mararanasan naman ang mahihina hanggang katamtaman at minsanang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Eastern Visatas at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Central Luzon at CALABARZON.

"[I]t is forecast to turn westward and head towards the Bicol Region. A landfall over the Bicol Region area on Wednesday is likely at this time," ayon sa inilabas na forecast ng PAGASA, Linggo ng gabi.

Tinataya namang lalakas pa ang naturang bagyo patungo sa Tropical Storm category sa susunod na 24 hanggang 26 oras at maging typhoon pa bagyo mag-landfall sa Bicol.

Matatandaang binayo pa lang ng Super Typhoon Rolly (Goni) ang Bikol ilang araw pa lang ang nakalilipas, na sinasabing pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong 2020. Mahigit 20 na ang namamatay dito maliban pa sa bilyun-bilyung pisong idinulot na pinsala. — James Relativo

vuukle comment

PAGASA

TONYO

TROPICAL DEPRESSION

TROPICAL STORM

ULYSSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with