Karaoke bawal, mabilis makapanghawa ng COVID-19
MANILA, Philippines — Hindi pa maaaring irekomenda ang videoke bilang aktibidad sa mga pampublikong lugar o mga parties, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni DOH Undersecretary Rosario Vergeire na kung ibabase sa Science, hindi pa puwedeng irekomenda ang videoke.
Binanggit ni Vergeire ang isang artikulo na nagpapakita ng load ng virus na maaaring ilabas sa mga bawat aktibidad.
Ayon kay Vergerie, nakita na pinakamataas ang load ng virus na puwedeng i-transmit kapag kumakanta.
“At dito pinakita kapag ikaw ay nagsasalita, kapag ikaw ay humihinga, kapag ikaw ay umuubo at nakita dito sa pag-aaral na ito na kapag ikaw ay kumakanta, dito ang pinakamataas na load ng virus na puwede mong mai-transmit,” ani Vergerie.
Ayon kay Vergeire na kung ibabase sa Science at sa ebidensiya, hindi na muna nila inirerekomenda na payagan ang videoke.
Pero kung sa pami-pamilya lamang aniya na hindi lumalabas ng bahay ay puwede naman ang nasabing aktibidad pero bawal sa mga parties ng mga magkakaibigan.
“Although siyempre sa mga pami-pamilya lang na hindi naman lumalabas, maaari naman natin iyan payagan. Pero iyon pong mga pangmalawakan, mga party po na magkakaibigan, baka po dapat iwasan muna po natin ito,” ani Vergerie.
- Latest