^

Bansa

Buffet-style sa Pasko, iwasan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinayo ng Department of Health (DOH) sa publiko na huwag na munang magsagawa ng ‘buffet-style’ na handaan ngayong Pasko kung magsasagawa ng mga ‘events’ tulad ng mga ‘reunions at Christmas party’ ng mga magkakaanak o magkakaibigan.

Sa Department Circular ng DOH ukol sa ‘minimum health standards for holidays’, ipinayo ng ahensya na nakahanda nang mga plato ng pagkain ang ihain kaysa magkanya-kaniyang kuha sa ‘buffet table’.

“For family gatherings, pre-plated food service is encouraged.  Buffet-style food service may increase contact among individuals,” ayon sa DOH.

Dapat din umanong mag-ingat sa pagpapalitan ng mga gamit sa pagkain tulad ng baso, plato at kutsara’t tinidor dahil sa maaaring pagkalat ng ‘respiratory droplets’.

Ipinaalala ng ahensya na ang mga pagtitipon sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘general community quarantine (GCQ)’ ay dapat limitado lamang sa hanggang 10 tao at 50 sa mga lugar na nasa ‘modified general community quarantine (MGCQ)’.

Dapat rin umanong iwasan ang mga ‘events place’ na air-conditioned’ at piliin ang mga lugar na maayos ang bentilasyon.  Kung tatagal ang event ng higit 15 minuto, dapat tiyakin ng mga kalahok na palagian silang nakasuot ng face mask, dagdag pa ng DOH.

BUFFET

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with