^

Bansa

Kahalagahan ng probiotics sa age-appropriate milk ng mga chikiting? Alamin!

Gerald Dizon - Pilipino Star Ngayon
Kahalagahan ng probiotics sa age-appropriate milk ng mga chikiting? Alamin!
Isang malaking bahagi ng pang-araw-araw na diet ng mga anak ay ang pag-inom ng gatas.
Photo from Freepik.com / jcomp

MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon, mas pinag-iigihan ng mga Pilipinong magkaroon ng malakas na pangangatawan at tamang kalusugan. Mas lalo itong may halaga para sa mga nanay na siyang madalas naghahanda ng ihahain para sa pamilya.

Payak man o malawak, mahalaga ang kaalaman ng mga nanay pagdating sa sustansiya o essential nutrients ng mga pagkain. Nagreresulta ito sa wastong diet ng bawat isa sa pamilya, lalung-lalo na sa mga bata.

Isang malaking bahagi ng pang-araw-araw na diet ng mga anak ay ang pag-inom ng gatas.

Gatas na angkop sa edad

Sa pagpapainom ng gatas, mahalagang isaalang-alang ang nutritional profile nito upang masigurong naaayon ito sa nutritional requirement ng inyong mga anak na nakabase sa kanilang edad. 

Para sa mga batang edad tatlo pataas, isang gatas na tumutugon sa mga pangaingailangang ito ay ang Nestogrow.

Maliban sa taglay nitong sapat na essential nutrients para sa inyong mga chikiting, ang Nestogrow ngayo’y naglalaman din ng L. Comfortis, isang uri ng probiotic.

Ang kombinasyon ng age-appropriate milk at ng probiotics ay mainam sa kanilang paglaki. Dahil ito sa walang-kapantay na mga benepisyo sa kanilang kalusugan, partikular sa kanilang tiyan at gayundin sa resistensya.

Kahalagahan ng probiotics sa age-appropriate milk ng mga chikiting? Alamin!
Ang kombinasyon ng age-appropriate milk at ng probiotics ay mainam sa paglaki ng inyong mga anak.
Photo from Freepik.com / tirachardz

Tulong pampalakas ng tiyan

Pero hanggang saan ba ang nalalaman ng mga mommies sa usapin ng age-appropriate milk drink with probiotics? Dito, kinapanayam namin ang ilan sa kanila, at narito ang kanilang mga pahayag:

Ayon kay Maan D'asis Pamaran, ina sa apat na lalaking anak, mahalaga ang probiotics sa iniinom ng kanyang mga anak.

“Nakakatulong ito sa digestive system dahil nilalabanan ng good bacteria ang bad bacteria. Tumutulong din ang probiotics laban sa diarrhea at pinabubuti ang absorption of nutrients.”

Gayundin ang opinyon ni Pia Panganiban na may dalawang batang anak: “Maganda talaga siya for the digestive tract. Pansin kong bihira silang magkaroon ng sakit sa tiyan.”

Hindi nalalayo ang mga ito sa findings ng pananaliksik na nagawa na tungkol probiotics. Sa pag-aaral halimbawa na inilathala ng American Academy of Pediatrics, natiyak na nakatutulong ang probiotics sa pagpapagaling ng diarrhea.

Dagdag pa, mabisa rin itong pampaiwas sa mga sakit tulad ng colic, constipation at acid reflux.

Pampatibay ng immune system

Lingid sa kaalaman ng karamihan sa mga nanay, ang gatas na may probiotics ay napag-alamang nakatutulong din sa overall immunity ng mga bata.

Ito ay napatotohanan sa mga pag-aaral mula sa Public Library of Science (PLOS). Nakitaan ng pruweba na ang gatas na fortified with probiotics ay nagdudulot ng pag-igting ng immune system ng mga bata upang maiwasan o madaling labanan ang mga sakit tulad ng dysentery, pneumonia at febrile illnesses (o iyong mga nagdudulot ng pagkalagnat), at iba pa.

Si Liz Ardeño, nanay sa malulusog niyang kambal na babae, “Pansin ko sa kambal ko, regular sila mag-poop, so very good talaga siya for digestion, especially at their age na kung anu-anong solid foods na ang kinakain. Tumutulong din ito sa immune system kaya hindi sila sakitin these days.”

Naniniwala rin dito si Ishie Bacongan-Torio na may anak na batang lalaki. “Kapag kasi tama ang absorption of nutrients, mas nagiging optimized ang immunity ng mga bata.”

Tungo sa masaya, malusog na paglaki

Kahalagahan ng probiotics sa age-appropriate milk ng mga chikiting? Alamin!
Ang L. Comfortis na nasa Nestogrow ay dahilan kung bakit mas mabilis ang absorption ng essential nutrients ng mga bata.
Photo Release

Tulad nga ng sinabi ng kilalang Griyegong manggagamot na si Hippocrates, “All diseases begin in the gut.”

Kaya naman sa mga bata, marapat na ang gut health ay laging isaalang-alang upang matamasa ang malakas na pangangatawan hanggang sa kanilang paglaki.

Tulungan natin silang ma-achieve ang happy, healthy growth sa pamamagitan ng pagpapainom ng Nestogrow araw-araw.

Kumpara sa ibang brand ng gatas, ang L. Comfortis na nasa Nestogrow ay nagpapabilis ng absorption ng essential nutrients sa mga bata.

Tatandaan na kapag healthy ang tiyan, happy ang paglaki! Bigyan ng Nestogrow ang mga chikiting araw-araw upang laging #KumpletongNutriTIYAN!

 

Para sa karagdagang updates at impormasyon, bumisita lamang sa official Facebook page ng Nestogrow sa https://www.facebook.com/NESTOGROWPH.

PROBIOTICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with