Walang paggalaw sa presyo ng mga bilihin - Palasyo
MANILA, Philippines — Ito ang siniguro ni Presidential Spokesperson Harry Roque base na rin sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa briefing kahapon kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno hinggil sa paghahanda at magiging epekto ng bagyo.
Paliwanag ni Roque, nakasaad sa Section 6 ng RA 7581 Act of 1992 na ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na may mga kalamidad o nasa ilalim ng state of calamity ay otomatikong mananatili.
Umapela naman umano ang Pangulo sa mga nagbebenta ng mga kailangan ng ating mga kababayan na sana huwag nang magsamantala.
Patuloy din umanong nakamonitor ang DTI para siguruhin na masusunod ang suggested retail price sa mga pamilihan.
- Latest