^

Bansa

Manila Water Laboratory Services, kinilala bilang Laboratory of Excellence

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala kamakailan ang Manila Water Laboratory Services (MWLS) bilang Laboratory of Excellence pakaraan ang isinagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan, kung saan inihambing ang MWLS sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo.

Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggang nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkilalang ito bilang pagpapatunay na ang mga pamamaraan at prosesong sinusunod nito ay pasado sa “world-class standards” upang masiguro na ang tubig na umaabot sa mga metro ng customer ay malinis at ligtas inumin at ang “wastewater effluent” ay nananatiling ligtas din upang itaguyod and pag­kabuhay ng mga isda at halamang tubig sa mga ilog.

Ibinahagi ni MWLS Head Ms. Joy De Vera na ito ay bahagi ng kanilang pagpupunyaging lalo pang mapabuti ang kanilang gawain.

Kabilang sa mga parameters na ito ay total dissolved solids (TDS), calcium, magnesium, chloride, sulfates, calcium hardness at total hardness para sa maiinom na tubig; at total solids (TS), total suspended solids (TSS), settleable solids (SS) at oil and grease (O&G) para sa wastewater.

Ayon sa website nito, ang US-based Waters ERA ay kinikilala bilang “premier providers” ng Proficiency Testing (PT) at Certified Reference Materials (CRMs) sa libo-libong laboratoryo sa buong mundo at kasaluku­yang nagseserbisyo sa 80 mga bansa.

MWLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with