‘Rolly’ posibleng maging super typhoon
MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong Rolly na posibleng maging super typhoon habang patuloy ang pagkilos sa may Philippine Sea.
Alas-4 ng hapon kahapon, ang bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 980 km silangan ng Casiguran, Aurora at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 20 km per hour.
Taglay ni Rolly ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at bugso na 230 kph.
Dahil dito, maaari umanong itaas ang hanggang signal no.4 sa mga lugar na lubhang tatamaan ng bagyo.
Nakataas na ang signal number 1 sa Catanduanes sa Luzon.
Ang bagyo ay iikot sa kanluran hilagang kanluran habang kumikilos sa buong sea off coast ng Bicol Region papuntang eastern coast ng Aurora-Quezon area.
Ang mata ni Rolly ay inaasahang babagsak sa lupa sa buong Aurora-Quezon area sa Linggo ng gabi o sa Lunes ng umaga.
Magiging sentro umano ni Rolly ang Catanduanes, Polillo Island, Aurora at Region 3 sa pagpasok nito sa bansa.
Ayon kay Usec. Ricardo Jalad, Executive Director ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), bukod sa mga nasabing lugar, malawak ang track ni Rolly kumpara kay bagyong Quinta kaya muling maaapektuhan ang mga lugar na sinalanta nito (Quinta).
Sinabi ni Jalad na pwede pa itong magbago habang papalapit ang bagyo.
Samantala, ang Tropical Storm “ATSANI” na nasa labas ng bansa ay namataan ng PAGASA sa layong 1,865 km silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kph at pagbugso na 80 kph. Posible itong pumasok sa PAR pero hindi masyadong maghahatid ng matinding epekto sa bansa.
Oras na pumasok sa bansa, ito ay tatawaging Siony. ng cash assistance sa mga displaced workers dulot ng pandemya at….mag-uumpisa na ang pamamahagi ng cash assistance ngayong first week of November,” ani Aragon sa Laging Handa online press briefing.
Ang pondo ay ibinigay ng Department of Budget and Management sa mga regional offices sa 16 na rehiyon.
Nasa 993,432 manggagawa ang maghahati-hati sa P5 bilyon sa ilalim ng COVID Adjustment Measures Program.
Sa ilalim naman ng TUPAD emergency employment, P6 bilyon ang inilaan para sa 863,867 workers na nasa informal sector. Kabilang sa mga ito ang mga naapektuhan sa mga karinderya, mga nagtutulak ng mga kariton at mga nagtitinda ng taho.
Nasa P2 bilyon naman ang inilaan sa AKAP o Abot-Kamay ang Tulong na inilaan para sa 200,000 na apektadong overseas Filipino workers. — Malou Escudero
Related video:
- Latest