MANILA, Philippines — Kung ikaw ay nagmamay-ari ng motorsiklo, malamang ay narinig mo na ang term na “PMS.” Ano ba ang ibig sabihin nito?
Bago ka malito, linawin lang nating hindi ito tukoy sa biological cycle na nagdudulot ng mood swings. Ang PMS o Preventive Maintenance Service ay isang komprehensibong serbisyo na ginagawa ng isang qualified technician para mapanatili ang quality at safety ng motor mo.
Dahil nga “preventive,” malaki ang tulong nito sa pag-iwas sa mga mechanical problems na maaaring magdulot ng hassle o ng mas malala pa—tulad ng aksidente.
Importante ang regular na pagtsi-change oil o ang pagpapalit ng air filter, ngunit hindi sapat ang mga ito. Tandaan na ang isang motorsiklo ay binubuo ng libo-libong pyesa at bawat isa ay maaaring mag-deteriorate dahil na rin sa natural wear and tear.
At dahil karamihan sa mga modelo ng motor sa merkado ngayon ay high-tech na at fuel-injected, mas maigi rin na kasabay ng actual inspection ay mag-undergo rin ng computerized diagnostic check para sigurado.
Dahil patuloy ang paglago ng industriya ng motor sa bansa, madalas din ang pag-launch ng iba’t ibang brands ng kani-kanilang mga bagong modelo. Kaya naman mahalaga na ang service technician o mekaniko ay laging updated ng mga manufacturer mismo sa mga bagong technology ng kanilang units.
Buti na lang, ang kumpletong Preventive Maintenance Service ay kadalasang available sa mga motorcycle dealerships.
Sa Motortrade, halimbawa, ay maaari kang mag-avail ng PMS para sa iyong motor sa halagang P299 lamang. Inclusive na rito ng tune-up, change oil, pag-inspect at paglinis ng mga preno, pag-adjust ng kadena, pag-check ng play ng suspension, at iba pa.
Maaari ka rin magpa-schedule ng service online para hindi na kailangang pumila.
Para sa karadagang impormasyon, mag log-on sa www.motortrade.com.ph/service/.