Mega Task Force vs korapsiyon sa gobyerno pinabubuo ni Duterte

MANILA, Philippines  — Pinabubuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mega Task Force na mag-iimbestiga sa nangyaya-ring mga korapsiyon sa buong gobyerno.

Pamumunuan ng Department of Justice (DOJ) ang naturang task force.

“Let me just read for everybody. I hope that all government workers, officials are listening. This is my --- a memorandum from me, the President, to Secretary Menardo I. Guevarra, Department of Justice. Ang subject is: ‘(Investigation) of allegations of corruption in the entire government.’ Lahat,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na kasama sa mga pinaim-bestigahan ang korapsiyon sa PhilHealth.

Ang DOJ din ang pi-nagdedesisyon ni Duterte kung alin sa mga alegas­yon ng korapsiyon ang uunahing imbestigahan, depende sa bigat ng epekto sa serbisyo ng gobyerno.

May kapangyarihan din ang DOJ na magsampa ng kaso sa mga sangkot sa anomalya maging sila ay mga pribadong indibiduwal o kaya ay mga opisyal o mga empleyado ng gobyerno.

Sinabi ni Duterte na ang kanyang kautusan ay may bisa hanggang Hun­o 20, 2020 maliban na lamang kung mas maaga itong babawiin.

Ang mga imbestigas­yon aniya na sangkot ang malalaking pera ay dapat idiretso na sa Ombudsman pero maaari ring mag-imbestiga ang ehekutibo.

Show comments