COVID-19 cases sa Pilipinas 371,630 na; patay pumalo sa 7,039

Nakapila sa platform ang mga komyuter na ito para makapasok sa MRT-3 sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-14 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines —Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga naitalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ilang oras bago ideklara ni Panguong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classifications sa buong bansa.

Umakyat na sa 371,630 ang tinatamaan ng nakamamatay na sakit sa bansa, bagay na mas marami ng 1,607 kumpara kahapon.

"Limang duplicates ang tinanggal sa total case count. Lumalabas na apat kasi rito ang gumaling na," ayon sa isang pahayag ng DOH sa Inggles.

"Kasabay niyan, 19 kasl ang dating tinawag na recovered ngunit ni-reclassify na bilang death."

Kalakhan sa mga bagong tinamaan ng nakamamatay na sakit ang nanggaling sa:

- Davao City (90)
- Cavite (88)
- Rizal (74)
- Negros Occidental (68)
- Quezon (68)

Kung tatanggaling sa mga datos ang mga namatay at gumaling sa COVID-19, lumalabas na 36,333 na lang ang aktibong kaso sa ngayon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kabila niyan, meron pang 16 laboratoryo na hindi nakapagsentro ng kani-kanilang resulta noong nakaraan.

Patay naman sa sakit ang dagdag na 63 katao sa ngayon, na magtutulak sa COVID-19 casualties ng bansa sa 7,039.

Nakatakdang ianunsyo ngayong gabi ni Digong kung magluluwag o maghihigpit na ng restriksyon sa iba't ibang bahagi ng bansa kaugnay ng pandemya.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, karamihan sa mga Metro Manila mayors ay pabor na manatili sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region simula ika-1 ng Nobyembre, kaysa ilagay sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ.)

Philippine Red Cross: PhilHealth di pa nagbabayad

Hindi pa rin nababayaran ng PhilHealth ang utang nito sa Philippine Red Cross (PRC) pagdating sa mga isinagawa nitong COVID-19 testing para sa gobyerno, dahilan para sumampa na ito sa bilyong piso. Napilitan tuloy ang organisasyon na itigil ang kanilang mga operasyon.

"PhilHealth owes PRC P1.1billion already. No payment as yet in spite of their numerous announcements that they will pay," ani PRC chairperson Sen. Richard Gordon sa isang pahayag.

Sa kabila niyan, 245 naman ang gumaling pa sa mga bagong datos. Pumapatak na nasa 328,258 na tuloy ang total recoveries.

Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa 42.51 milyon na ang kumpirmadong COVID-19 cases sa mundo. Sa bilang na 'yan, 1.14 milyon na ang patay. 

Show comments