Malacañang sa ‘plantitos at plantitas’: Ipagpatuloy ang urban gardening
MANILA, Philippines — Para makatulong sa food stability ng bansa, hinikayat ng Malacañang ang mga “plantito” at “plantita” na ipagpatuloy ang urban gardening.
Kasabay nito, hinikayat din ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng gulayan sa bawat barangay.
Paliwanag pa ni Nograles, na malaking tulong ito para sa food stability habang may kinakaharap ang bansa na COVID-19 pandemic.
Nakakatuwa umano na marami na ang nahuhumaling sa pagtatanim ng gulay sa kani-kanilang mga bakuran.
Buo umano ang suporta niya dito at bilang patunay ay pino-promote nila sa Task Force Zero Hunger (TFZH) ang urban gardening, community gardens at urban agriculture para ang bawat komunidad ay magkaroon ng sariling taniman at masiguro na mayroong pagkain ang bawat Filipino.
Umaasa naman si Nograles na darami pa ang mahihilig sa pagtatanim.
- Latest