Pulis na nagpositibo sa COVID-19, halos 7,000 na

MANILA, Philippines — Halos umaabot na sa 7,000 na miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na madagdag sa kanilang listahan ang 43 pang panibagong kaso.

Batay sa datos ng PNP Health Service, alas-6:00 ng gabi nitong Oktubre 24 ay umabot na sa 6,998 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 592 dito ang aktibo habang 70 ang guma­ling kaya umaabot na sa 6,384 ang total recove­ries kung saan 22 ang naitalang COVID-19 related deaths sa buong PNP.

Show comments