Bagyong 'Quinta' Bikol ang tinutumbok; landfall posibleng Lunes
MANILA, Philippines (Update 1, 5:40 p.m.) — Matapos ang serye ng dalawang bagyong kalalabas lang ng Pilipinas, pormal na itong itong nasundan ngayong Biyernes, pagkukumpirma ng state weather bureau sa publiko.
Ayon sa PAGASA, bandang 2 p.m. nang tuluyang maging tropical depression ang dating low pressure area silangan ng Mindanao.
Natagpuan ang mata ng bagyong Quinta 880 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 4:00 p.m. ngayong araw.
Sa ngayon, meron itong dalang hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong papalo sa 55 kilometro kada oras.
"QUINTA" will move generally northwestward today. On the forecast track, it will turn westward by Sunday and will make landfall over Bicol Region by Monday," ayon sa PAGASA.
"[It] will continue to track westward over the inland seas of Southern Luzon. It is likely to emerge over the West Philippine Sea by Tuesday."
Bagama't wala pang direktang epekto sa ngayon sa bansa ngayon, tinatayang lalakas pa ito at aabot ng tropical storm category pagsapit ng Linggo.
"[O]ccasional gusts due to the northeasterly surface windflow will be experienced over the Northern Luzon, especially in coastal and mountainous areas," dagdag pa nila.
Kahapon lang nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong "Pepito," bagay na lumakas pa noon para maging typhoon.
Huwebes nang iulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot ng P121.7 milyon ang halaga ng napinsala ng bagyo. Kalakhan diyan ay sa sektor ng agrikultura na aabot sa halos P92.5 milyon.
Basahin: 'Pepito' nagdulot ng P121.7-M pinsala; agrikultura pinakawasak
- Latest