Suplay ng baboy, manok sapat sa Pasko at Bagong Taon
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng karneng baboy at manok sa darating na holiday season.
Ito ang sinabi ni Agriculture Sec William Dar sa kabila ng pagtaas ng presyo sa mga pamilihan at palengke ng karneng baboy.
Ayon kay Secretary Dar, inaayos na nila ang pro-seso para dalhin ang mga baboy mula Visayas at Mindanao patungong Luzon partikular sa Metro Manila.
May 4 milyong baboy ang namatay sa Luzon dulot ng African Swine Fever (ASF) na nagpabagsak sa kabuhayan ng mga hog raisers dito at naging ugat ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy na pumalo sa P350 kada kilo.
Ayon kay Dar, pansamantala lamang ang kakapusan ng karneng baboy sa Luzon dahil mayroon namang ginagawang aksyon ang gobyerno para muling palakasin ang hog industry dito.
Samantala, hinikayat ng kalihim ang publiko na bumili muna ng karneng manok dahil sobra ang suplay nito sa ngayon at mababa ang presyo.
- Latest