MANILA, Philippines — Bagama't nagbabadyang bumagal ang takbo, tinatayang lalakas pa ang bagyong "Pepito" habang dahan-dahang gumagapang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), Miyerkules.
Kasalukuyang nasa West Philippine Sea ang bagyo at kumikilos pakanluran bago pumigit pa-hilagangkanluran bukas.
Natagpuan ang mata ng Tropical Storm Pepito 115 kilometro hilagangkanluran ng Dagupan City, Pangasinan bandang 7:00 a.m., Lunes at may dalang hangin na aabot sa 75 kilkometro kada oras malapit sa gitna.
May bugso itong papalo hanggang 90 kilometro kada oras at kumikilos pa-west northwest sa bilis na 30 kilometro kada oras.
"It is forecast to exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow morning or afternoon," ayon sa huling pahayag ng PAGASA.
"On the forecast track, 'PEPITO' will accelerate and turn westward beginning Friday towards the central portion of Vietnam."
Dahan-dahan itong mag-iipon ng lakas sa West Philippine Sea at maaaring itaas sa severe tropical storm category bukas nang hapon o gabi.
Dahil diyan, saklaw pa rin ng tropical cyclone wind signal no. 2 ang mga sumusunod na lugar:
- La Union
- hilagang bahagi ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)
- kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bani, Anda, Bolinao, Agno, Dasol, Burgos, Alaminos City, Mabini, Sual, Infanta, Bugallon, Labrador, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Fabian, Pozzorubio, Sison, Laoac, Urdaneta City, Manaoag, San Jacinto, Dagupan City, Mangaldan, Mapandan, Santa Barbara, San Carlos City, Calasiao, Binmaley, Lingayen)
Ang mga sumusunod na lugar ay makararanas ng mga hanging aabot sa 60 hanggang 120 kilometro kada oras sa susunod na 24 oras.
Magdudulot tuloy ito ng light to moderate damage sa high-risk structures at bahagyang pinsala lamang sa mga medium-risk structures.
Maaari ring mapinsala o matanggalan ng bubong ang mga unshielded, matatandang eskwelahan, barong-barong at iba pang mga istrukturang gawa sa light materials. Pwede namang matanggal nang tuluyan ng bubong ang mga bahay na gawa lamang sa nila o cogon.
"Today, 'PEPITO' will bring moderate to heavy rains over Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Pangasinan, La Union, Apayao, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, and Calamian Islands," sabi pa ng PAGASA.
"Light to moderate with at times heavy rains will be experienced over Metro Manila and the rest of Luzon."
Samantala, nakalagay naman sa signal no. 1 ang:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- nalalabing bahagi ng Pangasinan
- Abra
- kanlurang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Lubuagan, Tinglayan)
- kanlurang bahagi ng Mountain Province (Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Sabangan, Bauko, Tadian, Besao)
- kanlurang bahagi ng Ifugao (Banaue, Hingyon, Kiangan, Tinoc, Hungduan, Asipulo)
- Benguet
- kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya (Ambaguio, Kayapa, Aritao, Santa Fe)
- kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Muñoz City, Santo Domingo, Zaragoza, Aliaga, Licab, Guimba, Talugtug, Quezon, Nampicuan, Cuyapo)
- Tarlac
- nalalabing bahagi ng Zambales
Ang mga nasabing lugar ay makakatikim ng mga hanging may lakas na 30 hanggang 30 kilometro kada oras.
Bagama't hindi gaano kalakasan, maaaring magdulot ng malaking pinsala ang signal no. 1 na bagyo sa mga pananim na palay lalo na kung namumulaklak na.