^

Bansa

‘Pepito’ lumakas pa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Pepito’ lumakas pa
Alas-4 ng hapon kahapon, ang sentro ni Pepito ay namataan ng PAGASA sa layong 110 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
PAG-ASA

MANILA, Philippines  — Lumakas pa ang bagyong Pepito at patuloy na nagbabanta sa buong Aurora province.

Alas-4 ng hapon kahapon, ang sentro ni Pepito ay namataan ng PAGASA sa layong 110 kilometro silangan ng Baler, Aurora.

Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 km per hour taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kph at pagbugso na 90 kph.

Dahil dito, nakataas ang Signal number 2 sa La Union, Pangasinan, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, southern portion ng Isabela, southern portion ng  Ilocos Sur, northern portion ng Zambales at northern portion ng General Nakar, Quezon province.

Signal number 1 sa Abra, Kalinga, Mountain Province, Bulacan, Pampanga, Bataan, Metro Manila, Rizal, nalalabing bahagi ng  northern portion ng Infanta, Real, Quezon at nalalabing bahagi ng Zambales.

Si Pepito ay lalakas pa hanggang sa maabot ang severe tropical storm category sa Huwebes bago lumabas ng bansa.

Samantala, isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang namataan sa 1,750 km silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na 55 kph.

PEPITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with