Mga Pinoy, stress dahil sa COVID-19
MANILA, Philippines — Patuloy na nakakaranas ng stress ang karamihan ng mga Pilipino dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), umabot sa 86 percent ng mga Pinoy ang stress dahil sa COVID at may 58 percent naman ang nagsabing dumanas ng “great stress” na mas mataas ng 7 points mula 51 percent noong July survey.
May 27% naman ng mga respondents ang nagsabing dumanas sila ng “much stress” habang 15% ang “little to no stress.”
Sa mga nagsabing sila ay nakaranas ng “great stress,” 69% ang nagsabing dumanas ng gutom dahil sa kakulangan sa pagkain, habang 53% ang hindi ito naranasan.
Lumabas din sa survey na 58% na jobless at may 58% na may trabaho ang dumanas ng “great stress” dahil sa pandemic.
Mula sa Visayas, naitala ang may pinaka mataas na bilang ng stress sa Visayas na 64%, Balance Luzon-58% l, Mindanao-55% at Metro Manila-53%.
Ang proportion na may “great stress” ay halos magkatulad sa mga lalaki, 58% at sa mga babae, 57%.
Noong July, sa hanay ng mga lalaki ay umabot sa 49% at sa mga kababaihan ay umabot sa 52%.
- Latest