Bagyong Pepito, napanatili ang lakas

Alas-11 ng umaga kahapon, si bagyong Pepito ay namataan ng PAGASA sa layong 475 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.
PAGASA

MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Pepito ang kanyang lakas habang kumikilos sa Northern Luzon-Central Luzon area.

Alas-11 ng umaga kahapon, si bagyong Pepito ay namataan ng PAGASA sa layong 475 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Si Pepito ay kumikilos sa bilis na 30 km bawat oras taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at pagbugso na 55 kph.

Nakataas ang signal number 1 sa eastern portion ng Isabela sa Palanan, Dinapigue, eastern portion ng San Mariano gayundin sa northern portion ng  Aurora sa Dinalungan, Casiguran, Dilasag

Inaasahang magla-landfall si Pepito sa eastern coast ng  Northern Luzon-Central Luzon ngayong Martes ng gabi o sa Miyerkules ng umaga bago pumunta sa may West Philippine Sea.

Bago mag-landfall, inaasahan na si Pepito ay lalakas at saka babagtas sa Luzon.

Sa Huwebes ay inaasa­hang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Show comments