MANILA, Philippines — Dapat humingi ng tawad si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago sa mga diumano'y "insensitive" remarks pagdating sa mga nakikiramay sa pamilya ng isang political prionser na namatayan ng sanggol kamakailan.
Binanatan kasi ng MMDA official ang mga nakikisimpatya sa pagkamatay ni "Baby River," ang 3-buwang gulang na anak ni Reina Mae Nasino — isang aktibistang nakakulong. Aniya, ginawa na raw kasi itong "drama" ng mga kritiko ng gobyerno.
MMDA Spokesperson Celine Pialago slams those criticizing the government for its handling of the death of political prisoner Reina Mae Nasino's 3-month-old baby. pic.twitter.com/JG21kRVTSn
— ONE News PH (@onenewsph) October 18, 2020
Hindi ito nagustuhan ng marami sa social media, lalo na ng isang children's rights advocate group gaya ng Salinlahi Alliance for Children's Concerns.
"The statement of Ms. Pialogo demonstrates the systematic and continuing effort of the Duterte administration in inflicting further pain and suffering to Reina and to those who mourn over the death of Baby River," ayon sa grupo, Linggo.
"We demand Ms. Pialogo to immediately take down her Facebook post, issue a public apology and refrain from issuing statements that would add insult to the injury of Nasino family."
Nakakulong si Nasino, isang miyembro ng militanteng grupong Kadamay, dahil sa reklamong illegal possession of firearms and explosives — bagay na itinamin lang daw ayon sa kanilang kampo.
Una nang hiniling ni Nasino na makapiling si Baby River noong nag-aagaw buhay pa lamang sa ospital dahil sa sakit na pneumonia, ngunit hindi pinagbigyan ng korte.
Labis na pinaiksi ang furlough na ibinigay sa ina para makiburol at makilibing sa bata, bagay na nabalot ng tensyon nang padalhan ng sanlaksang pulis at bumbero habang siya'y nakaposas. Sinasabing "ninakaw" din sa kanila ng pulis ang bangkay ng bata at idiniretso agad sa sementeryo imbis na maimartsa.
Basahin: Libing ni 'baby River,' anak ng aktibistang preso, nauwi sa agawan ng labi
May kinalaman: From 3 days to 6 hours: Court cuts time for jailed activist to attend baby's wake
"Aside from the fact that it’s not within the scope of her mandate, such remark lacks respect and shows the unbecoming of a public official," dagdag ng Salinlahi kahapon.
"At the same time, we encourage her to make use of her time in addressing transport and traffic woes."
MMDA general manager: Personal na pananaw niya 'yan
Una nang dumistansya si MMDA general manager Jojo Garcia sa mga sinabi ni Pialago, at iginiit na hindi ito statement ng kanilang ahensya.
Aniya, personal na palagay ito ng kanilang spokesperson na tawaging "drama serye" ang ginagawa ng mga aktibista sa heavily guarded na burol at libing.
"This is not the stand of [the] MMDA. If she has a personal opinion, it's her right to say that. She is responsible enough to handle it," ani Garcia, Lunes.
May kinalaman: MMDA passes on backing spokesperson's comments on Baby River burial
Pialago hindi nagbibiro: 'I mean it'
Sa kabila ng natatanggap na kritisismo ng opisyal, ayaw namang ipaghingi ng paumanhin ni Pialago ang mga inilagay niya sa kanyang Facebook post — bagay na burado na sa ngayon.
Pagpapaliwanag niya, hindi ang pagdadalamhati ng isang ina ang pinupuntirya niya kung hindi ang mga "nakikisawsaw" at "manipula" sa isyu na "hindi inaalam" kung sino ba talaga si Nasino.
Binabaluktot daw kasi ng ilang kampo ang kwento para magmukhang masama ang gobyerno. Ito ang kanyang inilinaw sa panayam ng dzMM Teleradyo kanina.
"Hindi naman [ako] nagsisi... 'Yung drama serye siguro hindi na-emphasize nang mabuti kung ano ang pino-point out ko na drama," ani Pialago.
"The rest of the post, I mean it... I honestly mean it."
Aniya, meron daw siyang mga "source" hinggil sa kaso ni Nasino bilang nagsisilbi siyang reservist sa militar. Sinasabi niya ito kahit na ongoing pa ang trial ng aktibista at hindi pa naman nahahatulan.
Humingi naman siya ng tawad sa mga unang lumabas na balita na meron siyang 70 Facebook administrators ng kanyang page, bagay na nabatikos dahil sa kwestyon sa pagpapasweldo. Aniya, pito lang daw talaga ito at napagalitan ang isa rito, ang kanyang 19-anyos na kapatid.
Enchong Dee bumanat
Kahapon lang nang pagtaasan ng kilay ng ilang celebrities ang nasabing isyu, gaya na rin ng aktor na si Enchong Dee.
"This person is Heartless and unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo," ayon kay Enchong.
"Bilang isang tao... ok lang talaga sayo??"
This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo.
— Enchong Dee (@enchongdee777) October 18, 2020
Bilang isang tao... ok lang talaga sayo?? pic.twitter.com/KPLGPk4HuB
Una nang kinumpara nang marami ang kinasapitan ni Nasino sa ilang pulitikong malapit sa administrasyon, na pare-parehong nabigyan ng maluwag na pagtrato nang bigyan ng furlough habang nakakulong.
Ilan na riyan si Sen. Bong Revilla na binigyan ng tatlong araw na pansamantalang kalayaan na walang posas at mas kaonting security. Ganyan din naman ang pagtratong natanggap ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na binigyan ng 4-day furlough noong December 2014.
Basahin: Bong Revilla granted 3-day furlough to visit ailing dad
May kinalaman: Sandiganbayan gives Arroyo 4-day Christmas furlough