^

Bansa

Libing ni 'baby River,' anak ng aktibistang preso, nauwi sa agawan ng labi

James Relativo - Philstar.com
Libing ni 'baby River,' anak ng aktibistang preso, nauwi sa agawan ng labi
Tinitignan ni Reina Mae Nasino ang 3-buwang sanggol na si "baby River" sa kahuli-hulihang pagkakataon bago ilibing, ika-16 ng Oktubre, 2020
Released/Kapatid

MANILA, Philippines — Nabalot ng tensyon ang dapat sana'y mataimtim na okasyon matapos "agawin" ng Philippine National Police (PNP) ang bangkay ni River Nasino — sanggol ng isang political prisoner — bago naihimlay sa kanyang huling hantungan, Biyernes.

Ayon sa Kapatid, isang support group ng political prisoners, biglang hinarurot ng PNP ang sasakyan habang nasa "funeral march" ang 3-buwang gulang na anak ni Reina Mae Nasino.

Plano pa sanang idaan ng Korte Suprema at Court of Appeals ang labi ng bata, kasabay ng panawagang mapalaya siya at 21 pang political detainees dahil na rin sa panganib na mahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa siksikang kulungan.

Dahil dito, idiniretso  sa Manila North Cemetery ang mga labi ng bata. Sinasabing hindi bababa sa 20 opisyales ang nakabantay, maliban pa sa bumbero na ipinadala noon sa tapat ng Funeraria Rey.

"They [police] are not needed here... they are intimidating and harassing people who are expressing sympathy," sambit ni Cristina Palabay, secretary general ng grupong Karapatan.

"Major General Debold Sinas and Gen. Eduardo Ano, can you just stop this? People expect an ounce of decency man lang senyo para igalang ang libing na ito. You both simply are monsters."

Aniya, kabalintunaan na mismong ang mga pulis na umaresto kay Nasino ang magbibigay ng security para kay baby River. 

Pagdating sa sementeryo, makikitang ang pamilya at abogado ni Nasino na nagmamakaawa sa mga gwardya na kalagan ang kanyang posas sa huling sandali.

Nobyembre 2019 nang maaresto si Nasino (Kadamay) kasama sina Ram Carlo Pacul­ba Bautista ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at Alma Estrada Moran (Manila Workers Unity), matapos ang isinagawang raid ng Manila Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tondo, Maynila.

Pinararatangan ang mga nabanggit na nakuhanan ng ilang baril, bala at dalawang granada, bagay na itinanim lang daw sabi ng grupong Karapatan.

Basahin: Opisina ng Bayan ni-raid: 3 aktibista, dinakip

May kaugnayan: Bayan office raid in Manila proof of 'creeping martial law' — Zarate

DILG: Propesyunal ang BJMP, jail officers

Sa hiwalay na pahayag, dinepensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ginawang aksyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at iginiit na propesyunal at nagpigil pa nga raw ang kanilang jail officers.

Ayon kay Interior spokesperson Jonathan Malaya kanina, naging mahusay ang trabaho ng jail officers habang iniiinsulto raw sila ng mga nasa burol.

"Truth be told, it was the Leftist groups who caused the tension during the wake when they suddenly vented their ire on the BJMP officers who were just doing their jobs," ani Malaya.

"What was supposed to be a solemn occasion for a mother to peacefully grieve the death of her daughter was intentionally turned into a media spectacle at the clear instigation of these Leftist groups."

Aniya, nakikiramay sila kay Nasino at sa pagkamatay ng anak na babae, ngunit kinokondena raw nila ang paglalagay ng aktibista kay Nasino at buhay ng mga jail officers sa "panganib."

Una nang pinayagan ng Manila Regional Trial Court Branch 47 na mabigyan ng tatlong araw na pansamantalang kalayaan para sa burol at libing ng anak.

Sa kabila nito, ginawa na lang itong anim na oras. Una nilang sinabi na "kulang" ang kanilang personnel kaya ito ginawa, ngunit pinalitan ang pangangatwiran patungong "health reasons."

Basahin: Korte payag sa 3-araw na pagbisita ng aktibistang inmate sa burol ng sanggol

May kaugnayan: From 3 days to 6 hours: Court cuts time for jailed activist to attend baby's wake

Hinihiling naman ngayon ng ilang media groups na maparusahan ang mga BJMP personnel dahil sa pagharang sa mga peryodista na makausap si Nasino noong ibinuburol pa ang kanyang anak.

Dumepensa naman ang DILG sa nasabing pagharang sa media, kaugnay ng ilang dahilang ligal: "We do not want to be accused of violating the sub judice rule which includes going to the media and talking about pending cases in court," ani Malaya.

Hanggang ngayon, ayaw tawagin ng DILG na political prisoner si Nasino. Ikinulong lang daw siya dahil daw kasi sa illegal possession of firearms and explosives at hindi dahil sa paniniwalang pulitikal.

CHR nabahala

Hindi naman nagustuhan ng Commission on Human Rights (CHR) kung paano inaasikaso ng pamahalaan ang kaso ni Nasino, kahit na sabihing ipinipiit siya dahil sa mga reklamo sa korte.

"We remind the government that at this point, Nasino remains to be an accused and thus, still presumed to be innocent until proven guilty," ani CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia sa isang pahayag, Biyernes.

"Even in detention, persons depreived of liberty should not be subjected to any cruel, unhuman, or degrading treatment or punishment and that it remains to be a State obligation to respect their inherent dignity and value as human beings."

Aniya, alinsunod iyon sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners (Nelson Mandela Rules).

Ipinaaabot din ni De Guia ang kanilang pakikiramay sa pamilya ni Nasino at baby River. Bagama't isinasang-alang-alang ang "best interest" ng bata pagdating sa kanyang pangangalaga sa loob ng kulungan, naihiwalay ang 3-buwang baby sa kanyang ina hanggang mamatay.

"CHR, through its Investigation Office, is currently looking into Nasino's case, also considering that there are allegations that her detention is a form of harassment due to her human rights work," ayon pa kay De Guia. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLITICAL PRISONER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with