MANILA, Philippines — May 71 percent ng mga Pinoy noong Setyembre ang nagsabing nakatanggap sila ng cash aid mula sa pamahalaan nang sumiklab ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Ito ay mas mababa sa 72 percent noong July 2020.
Ayon sa Social Wea-ther Station (SWS) survey, 67% ay tumanggap ng subsidies ng isang beses habang 33% ay tumanggap ng cash aid ng dalawang beses.
Tumanggap naman ang pamilya ng average na P7,531 noong Set-yembre at may average total na P6,588.17 cash aid noong July 2020.
Sa Metro Manila, 39% ng pamilya ang nakatanggap ng cash aid ng isang beses lamang, 48% ang dalawang beses, 6% ang tatlong beses, 4% apat na beses at 1% ang limang beses na cash aid.
Sa Metro Manila ang tumanggap ng mas ma-laking halaga ng cash aid na may average na P11,024, sa Balance Luzon ay P7,481 habang sa Visayas ay P6,6883.
Noong July 2020, ang average total cash aid ng pamahalaan sa bawat pamilya ay P2,670 sa Metro Manila, P845 sa Visayas, P780 sa Balance Luzon, at P222 sa Mindanao.
Ang SWS survey ay ginawa noong September 17-20, 2020 sa pamamagitan ng National Mobile Phone Survey.