^

Bansa

Abo ng kaanak ‘wag ilagak sa bahay - Obispo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nanawagan ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa mga pamilya na may kaanak na nasawi at naisailalim sa ‘cremation’ na huwag ilagak sa kanilang bahay ang abo ng mga mahal sa buhay.

Sa halip, sinabi ni Ma­nila Bishop Broderick Pabillo na nararapat mailagay sa mga sagradong lugar tulad ng mga ‘columbaria o sementeryo’ ang mga ‘urn’ o sisidlan ng mga abo.

“I would like to remind everyone that it is not allowed for us to keep the urns containing the ashes in our homes permanently,” ayon kay Pabillo.

Ito ay makaraan na maging ang simbahan ay na-monitor ang pagtaas ng bilang ng mga namatay na naisailalim sa ‘cremation’ dahil sa COVID-19.  Bahagi ang ‘cremation’ sa ‘protocol’ na ipinatutupad ngayon para hindi maikalat ang virus.

Noong Miyerkules, nasa 6,449 na ang pas-yenteng nasawi dahil sa coronavirus 2019, base sa datos ng Department of Health (DOH).

Nag-aalala si Pabillo na maaaring mabastos o maipagsawalang-bahala ang labi ng mga nama-yapa sa loob ng bahay sa mga pagkakataon na walang magbabantay dito.

vuukle comment

BRODERICK PABILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with