MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Electric Co. (Meralco) ng 12 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na taas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre.
Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng kanilang singil ng P0.12/kwh sa October 2020 bill ay dahil ng pagtaas ng Generation Charge.
Sinabi ng Meralco na mula Mayo ay ngayon lamang muli nagkaroon ng pagtaas sa overall rate ng singil sa kuryenye.
Dahil sa taas-singil, ang mga consumer na kumukonsumo ng 200 kwh ay may dagdag na P24 sa kanilang bill habang P36 sa mga kumukonsumo ng 300 kwh.
Nasa P48 naman ang dagdag kung ang konsumo ay 400 kwh at P60 kung nakakagamit ng 500 kwh.
Muli namang nagpapaalala ang Meralco na magtipid pa rin sa paggamit ng kuryente.