MANILA, Philippines — Dahil umano sa posibleng tigdas o measle outbreak, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matagal na ang bakuna kontra tigdas at hindi dapat i-expose ang mga bata sa nasabing sakit dahil may paraan para ito maiwasan.
“Itong bakuna naman po sa measles, isa na ito sa pinakaluma at pinakamaagang ginagamit na natin. Bakit pa po natin i-expose sa aberya ang ating mga minamahal sa buhay na mga chikiting eh samantalang mayroon naman po tayong tried and proven na bakuna laban diyan,” ani Roque.
Sabi pa ni Roque na naiintindihan ng Malacañang ang takot ng mga magulang ngayong panahon ng COVID-19 pero hindi aniya dapat katakutan ang bakuna na matagal nang ibinibigay sa mga bata ng libre.
Related video: